^

PSN Showbiz

Aktres na nag-umpisang child star maldita lang, hindi traydor sa mga kaibigan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagkakaedad na ang mga unang production people na nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang isang popular na female personality na nagsimula bilang child star.

Hindi na sila nagtataka sa mga kuwentong umiikot tungkol sa kanyang kamalditahan, sanay na sanay na raw sila sa female personality, dahil bata pa lang siya ay matindi na ang kanyang mood swings.

Sabi ng isang source sa grupo, “Ganu’n na talaga siya kahit nu’ng nag-uumpisa pa lang siya, masyadong mahal ang pagngiti niya. Mas madalas siyang nakasimangot.

“Sa napakaagang edad niya, e, parang pasan na niya ang daigdig. Hindi siya ma-PR, parang may sariling mundo na siya kahit nu’ng bata pa siya,” kuwento ng source.

Magkakontemporaryo sila ng isang child actress na kabaligtaran niya ang ugali. Palagi itong nakangiti, kinakausap ang buong staff kapag dumarating ito sa taping, walang mood swings ang bagets.

Isa pang source ang nagkuwento, “Kapag break na, du’n mo makikita ang totoong ugali ng mga artista. May sariling mundo talaga siya, pupunta na agad siya sa dressing room, hindi siya nakikipaglaro sa mga kasamahan niyang child stars.

“On and off cam, pareho lang ang itsura niya, nakasimangot siya, para bang napakarami niyang pinoproblema. Talagang hindi siya palangiti. Masarap siyang makitang masaya sana, pero hindi talaga siya ‘yung jolly type.

“Kahit sa school, hindi siya palakaibigan, ‘yun ang kuwento ng PA niya, kasi nga, kapos siya sa pakikisama. E, hindi naman namin alam nu’n ang istorya ng buhay niya, late na nu’ng malaman namin na meron palang kulang sa kanya.

“Meron siyang hinahanap, hindi kumpleto ang pagiging tao niya, saka lang namin naintindihan kung bakit siya ganu’n,” impormasyon ng aming source.

Mahirap siyang ispilengin, sabi ng marami, mahirap siyang pakibagayan. Pero maraming nagpapatotoo na kung magmahal ang female personality ay wala na siyang inirereserba para sa kanyang sarili.

Bawi ng aming source, “Pero sa kabila nu’n, e, very loyal siyang kaibigan at karelasyon. Matindi siyang magmahal. Lahat, itataya niya, kesehodang wala nang matira pa sa kanya.

“Maldita nga siya, pero hindi naman siya traydor, kapag kaibigan ka niya, e, siya ang sasalo ng bala para sa iyo!” madiing pagtatapos ng ­aming source.

Ubos!

Regine, nanindigan

Positibo ang pananaw ni Regine Velasquez sa ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7 na dekada rin niyang itinuring na tahanan. Wala siyang pinagsisisihan.

Na dapat lang talaga dahil desisyon niya ‘yun, wala namang pumilit sa kanya, gusto niyang matikman ang mamuhay sa ibang istasyon.

Nagkataon naman na sa kanyang paglipat, dalawang taon pagkatapos, ay saka nagsarado ang ABS-CBN. Maraming humusga kay Regine, siguro raw ay sising-alipin siya ngayon dahil wala siyang mainstream na trabaho, kundi raw siya lumundag ng bakod ay siya pa rin sana ang reyna ng mga musical shows ng GMA-7.

At ang pinakamasakit na salitang ipinakain sa kanya ay siya raw ang may hatid na malas sa ipinasaradong network. Napakamaling paghusga dahil wala namang kasalanan si Regine sa bintang na hindi nagbabayad ng buwis at maraming trabahador na pinahihirapan ang kumpanya.

Pagtanggap lang ang pinakamahalaga sa buhay na ito, panindigan na lang natin ang desisyong tayo lang ang nagkagusto, para walang pagsisisi.

‘Hindi kami puwedeng ihiwalay sa aming pinag-ugatan’

Mula nu’ng Marso ay ikalawang pag-uwi na namin ito sa aming nayon. Mahirap umuwi, mara­ming kailangang pagdaanan, na para rin naman sa kaligtasan sa coronavirus ng mga umuuwi at dadatnan sa kanilang destinasyon.

Sa bahay namin sa bukid kami naglagi, punumpuno ng pananim ang aming bakuran, nagkululay violet ang paligid dahil sa masipag na pamumunga ng mga puno ng talong.

Mabango ang samyo ng hangin dahil sa paghalo ng kabanguhan ng mga puno ng basil na alagang-alaga ng aming manugang. Meron kaming baka sa bukid, mga ibon, mga native na manok na naka-freerange, mga kambing at nakapaghukay na ng huhulugan ng mga binhi ng isda ang anak naming doktor.

Ginto na ang mga uhay ng palay, ilang linggo pa ay anihan na, makararaos na ang aming mga kanayon sa tinatawag na kawitang-palakol (matin­ding kahirapan).

Ito ang pangarap naming buhay, hindi kami maaaring ihiwalay sa aming pinag-ugatan, lumaki kami sa bukid na pinalad lang na ampunin ng lungsod.

Ang paglalambing ng aming mga apo, ang kitang-kita naming saya ng aming mga anak, ang mga kuwento ng aming mga pinsan at pamangkin ang palagi naming kinasasabikan.

Sana’y maulit muli ang aming pag-uwi sa nayon. Nandito sa lungsod ang laban pero ang kakaibang sarap ng payak na buhay ay nasa probinsiya.

Hanggang alam naming ang daan pauwi sa aming nayon ay hinding-hindi kami tatalunin ng anumang paghamon sa buhay.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with