^

PSN Showbiz

Hunk actor, hindi maka-score sa pinaglala-wayang baguhang aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang source ang naniniwala na matindi ang tama ng isang hunk actor na pinagdududahan ang gender sa isang male personality na hindi pa gaanong nagtatagal sa pag-aartista.

Ang paniwala ng aming impormante ay gumagawa ng paraan ang hunk actor na kuwestiyonable ang kasarian para maka-close niya ang male personality.

Kung sinu-sino nang persona-lidad ang ginagawa niyang tulay, pero palagi siyang nabibigo, dahil hindi kumakagat ang male personality sa kanyang mga palutang.

Kuwento ng aming source, “Mukhang hindi siya magtatagumpay du’n sa male perso-nality. Una, hindi naman nanga-ngailangan ‘yung tao, maganda ang kabuhayan showcase ng family nila, hindi siya masisilaw sa mga bonggang regalo.

“Saka hindi man siya lantarang nagsasalita, e, alam mong hindi siya puwedeng pumasok sa relasyong gusto ng hunk actor,” unang sultada ng aming impormante.

Alam ng aming source na pinanonood ng hunk actor ang mga seryeng nandu’n ang male personality. Kundi man siya magtagumpay sa gusto niyang mangyari ay okey na rin sa kanya ang malayuang pagpipista sa karisma ng male personality.

Kuwento uli ng aming source, “Mismo! Watch talaga siya ng mga seryeng nandu’n ang male personality na matagal na niyang gustong maka-close!

“Hindi siya ang bumibida sa serye, isa lang siya sa marami, pero talagang mapapansin mo naman kasi ang presensiya niya.

“Guwapo siya, panalo ang mga abs niya, hindi pa siya ganu’n kahusay umarte pero nakatatawid din naman siya. Napakalakas ng appeal niya para sa hunk actor!

“Ilang invitation na ba ng hunk actor ang tinanggihan niya? Busy raw kasi siya, dahil bukod sa pag-aartista, e, meron din siyang inaasikasong negosyo, kaya wala siyang libreng oras.

“Lalong na-challenge ang lola n’yo! Ang iba nga naman, e, proud pang maka-close siya, pero ang isang ito, e, nangde-dedma lang sa kanya!

“Siguro nga, e, napagpayuhan na siya ng mga kamag-anak niyang artista rin na huwag makikipag-close sa hunk actor dahil siguradong pagtsitsismisan siya!

“Hanggang ngayon, e, hopia pa rin ang hunk actor na makaka-close din niya ang male personality, kaya abangan na lang natin kung magtatagumpay siya!” pagtatapos ng napapai-ling naming impormante.

Ubos!

John Regala hinahanapan ng pera ang mga tumulong sa pagpapa-hospital niya

Tamang-duda si John Regala sa halagang nalikom nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfuss at Tita Aster Amoyo sa pinagdadaanan niya ngayon.

Buong-ningning na sinabi ng action star sa programa ni Raffy Tulfo na kahit singkong duling ay wala siyang nahawakan sa kabuuang halaga ng mga donasyong nalikom ng tatlong personalidad na tumulong sa kanyang kundisyon ngayon.

“Sir Raffy, sa kalagayan ko po ngayon, e, hindi na ako magsisinungaling pa sa inyo. Wala po talaga akong nahawakan sa mga donasyong tinanggap nila. Wala po akong listahan kung sinu-sino ang tumulong sa akin, wala po silang ibinigay na listahan,” pautal-utal na pahayag ni John Regala.

Hindi raw niya alam ang binuksang bank account ng tatlong tumulong sa kanya, nang ipa-check daw nila ang account ay zero balance naman, kaya siya mismo ay nagtataka kung saan napunta ang mga donasyon para sa kanyang gamutan.

Maling tao si Chuckie Dreyfuss para sumagot sa mga tanong, hindi nito alam ang sasabihin at isasagot sa pang-uusisa ni Kuya Raffy, napakalikot pa ng aktor sa harap ng mga camera.

Nabaligtad na ang senaryo. Ang mga taong nagmagandang-loob para tulungan si John Regala ang bina-bash pa ngayon at tinatawag na manloloko. Pinagkakitaan daw ng mga ito si John na kailangang-kailangan ng ayuda ngayon.

Walang pinakamagandang solusyon sa problemang ito kundi ang

komunikasyon sa pagitan ni John at ng mga taong tumulong sa kanya. Ibigay dapat nina Nadia, Chuckie at Tita Aster ang listahan ng pondong nalikom nila na ayon sa aktor ay ni hindi niya nahawakan.

Kadalasan, ang mga taong nagmamagandang-loob pa ang napapasama sa bandang huli, kaya kung minsan din ay nakakapagdalawang-isip ang pagtulong.

Labas ang isyu ng pera ay may utang na loob na dapat tanawin si John Regala sa mga taong kusang-loob na tumulong sa kanyang kasalukuyang kundisyon.

Walang katapat na presyo ang panahon at malasakit na ibinigay ng mga ito sa kanya lalo na ngayong panahon ng pandemya na may kani-kanyang problema rin sila. Maliwanag ‘yun.

Walang kailangang listahan, walang kailangang sumahing donasyon, nakasulat dapat ‘yun sa puso ni John Regala.

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with