^

PSN Showbiz

Bagets, may paramdam pa kahit 36 years na!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Kahit na may modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, nagkaroon ng mini reunion ang ilang cast members ng iconic youth film of the ‘80s na Bagets na nag-celebrate ng 36th anniversary.

Ang mga nakadalo sa naturang reunion ay sina Eula Valdez, Ramon Christopher, Yayo Aguila at Cheska Inigo.

Heto ang pinost ni Eula sa kanyang Instagram: “BAGETS ‘GANG POR EBER Good times always missing @raymondlauchengco
@jobellelouis @agamuhlach317 “

Nag-post din si Yayo Aguila: “We get pretty serious. Sometimes Missing @raymondlauchengco”

At heto naman ang kay Cheska: “36 years. Mahal ko kayo! #friendsforlife #chosenfamily #love #goodtimes #thisisus #nojudgement #ifthewallscouldtalk #ifthecarcouldonlytalk”

Wala sa naturang reunion ang iba pang kasama sa original cast na sina Aga Muhlach, Raymond Lauchengco, JC Bonnin, William Martinez at Jobelle Salvador.

Dahil siguro sa MECQ kaya hindi nakadalo ang ibang cast members tulad nina Aga, Raymond at William. Si JC ay base na sa US at si Jobelle ay nakabalik na raw sa Japan.

Dalawang cast members naman ng Bagets 2 ang sumakabilang-buhay na. Ito ay sina Francis Magalona at Jon-Jon Hernandez.

Every year ay nagiging tradisyon na ng Bagets cast na magkaroon ng reunion kasama si Direk Maryo J. delos Reyes. Pero pumanaw na si Direk Maryo noong January 2018.

Hindi lang namin alam kung nagtuluy-tuloy ang tinatag nila noon na Bagets Foundation kung saan may ilan silang mga batang pinag-aaral nang libre ng high school.

Pinalabas ang Bagets, na produced ng Viva Films, noong February 2, 1984 at ang sequel nito na Bagets 2 ay noong November 15, 1984. Parehong naging box-office hit sa takilya ang dalawang pelikula at nagsimula ito ng Bagets culture sa mga kabataan noong ‘80s in terms of fashion. Na-coin ang title na Bagets from the word “bagito.”

Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang word na bagets bilang tawag sa mga batang lalake at babae.

KC at misis, may lockdown baby boy

Kitang-kita ang kasiyahan ng TV host-actor na si KC Montero dahil magiging isang tatay na siya.

Sa kanyang Instagram ay nag-post siya ng isang tribute video para sa kanyang misis na si Stephanie Dods dahil sa pagbubuntis nito sa kanilang baby boy.

Nabuo nga ang first baby nila during lockdown at sa December na raw ang due date ni Stephanie.

Heto ang caption ni KC sa kanyang tribute video : “Dear Stephanie. My incredible wife. Your strength and light never cease to amaze me. You grow more beautiful with each pas-
sing day and my love and admiration along with it. Through the miracle of life you are growing another life; our little boy and I couldn’t be more thankful. Thank you for giving your body, thank you for giving up sugar and thank you for giving up pizza every week. Thank you for having patience as I play around to become a 40 year old gamer. But most of all, thank you for making me a father. Thank you for choosing me in this life changing journey. The best parts are still to come and im so thankful that I get to do it all with you.

To our little boy inside that tummy. If you hear a low hum, thats just me talking to you. We love you and can’t wait to finally meet you come December.”

Kinasal noong September 9, 2019 sina KC at Stephanie sa Seattle, Washington. Ito ang se-cond marriage ni KC.

Una siyang kinasal sa singer-actress na si Geneva Cruz noong 2004 at nag-divorce sila noong 2012.

Hindi pa natatagalan nang arestuhin ang mag-asawa sa paglabag sa quarantine protocols.

Bradley at Jennifer, platonic daw kahit laging magkasama

Mukhang nagkakamabutihan na raw ang Hollywood stars na sina Bradley Cooper at Jennifer Garner.

Marami ang nakakita sa dalawa sa isang private beach in Malibu, California.

Pero hindi naman daw silang dalawa lang dahil kasama ni Jen ang tatlong anak nito sa ex-husband na si Ben Affleck.

According sa source ng Page Six, nothing more than “platonic” ang relationship nila Bradley at Jennifer. “Cooper and Garner are friends and have been forever and that there is no truth to anything else,” ayon sa source.

Matagal na raw magkaibigan ang dalawa dahil nagkasama sila ng anim na taon sa pinagbidahan na TV series ni Jen na Alias noong 2001.

Si Bradley din ang naging dahilan kung bakit nagawang iwasan ng ex-husband ni Jen na si Ben Affleck ang pag-inom ng alak at naengganyo niya itong pumasok ng rehab.

Kaya kung makikita raw sina Bradley and Jen, it’s more on being friends lang ang dalawa dahil malapit ang aktor sa mga anak nina Jen at Ben.

Isang dahilan kung bakit nili-link romantically si Jen kay Bradley ay dahil nakipag-break na si Jen sa kanyang boyfriend of two years na si John Miller.

Naghiwalay sila noong magkaroon ng lockdown sa Los Angeles, pero friends pa rin daw sila at puwede pa raw ma-rekindle ang kanilang relasyon.

vuukle comment

KC MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with