^

PSN Showbiz

Ynna, umaming pagod nang magsinungaling!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Ynna, umaming pagod nang magsinungaling!
Ynna
STAR/ File

Sinuko na sa Diyos ang buhay

Naging emotional si Ynna Asistio sa kanyang recent  video post sa Instagram. May kinalaman ito sa mga pinagdaanan niya at mga pagbabago habang naka-quarantine.

“It only took 10 days for God to change my heart. To make me realize my mistakes. To make me realize what I was doing wrong,” pahayag ni Ynna.

Marami raw pinagdaanan na personal na problema si Ynna, kasama na rito ang problema sa sariling pamilya.

Habang nakapirmi sa bahay, nagdesisyon daw siyang mas palalimin ang kanyang pananalig sa Diyos.

“Kasi nasanay ako na kaya ko yung sarili ko. I can live my life. Kaya kong ayusin lahat ng problema ko mag-isa. I can get away with everything that I was doing, pero mali pala ako. Kasi Siya lang pala makakaayos sa akin. Sa Kanya ko lang mahahanap yung peace. Sa Kanya ko lang nakita lahat ng mali ko, na sobrang in denial ako for so long. Naging numb na yung puso ko. And ngayon, I can feel again,” sey pa niya.

Nagsimula raw magbasa ng bibliya si Ynna noong magkaroon ng matinding gulo sa bahay nila. “May 22 to 26, sobrang gulo ng bahay namin. Nabulabog yung mundo namin, ng buong pamilya. Hindi ko na isi-share yun. Pero dahil dun, isang araw pa lang ng devo ko, na-offtrack na kagad ako ng five days.

“I had no options left. Kasi nagawa ko na lahat para maayos. And I was super vulnerable that night. I ended up doing my devotion again. But this time, my prayer was: ‘Lord, change me. Change my ways, change my life. Pagod na ako maging sinungaling. Pagod na ako sa sins ko. Pagod na ako sa secret sins ko. Pagod na ako sa buhay ko. I surrender everything to you. Ikaw na bahala. And please, Lord, I know you can hear me. I admitted to other people for the first time that I’m tired. I’m literally tired of my life,” saad ni Ynna.

Nagpasalamat si Ynna sa kanyang pamilya na tanggap siya sa kabila ng mga pagkakamali niya noon.

“Nagising ako, sabi ko, ‘Gusto ko na magbago para sa sarili ko at para sa mga taong nagmamahal sa akin nang buong-buo. I just want to thank my fa­mily for loving me and accepting me in spite of everything I’ve done. I also want to thank God for using other people for me to reach this point. I am ready for God na gamitin ako. And this time, ako naman.”

Hollywood couple na sina Ashton Kutcher at Mila Kunis nagbebenta ng bahay

Malakas ang bulung-bulungan na papunta na raw sa divorce ang pagsasama ng Hollywood couple na sina Ashton Kutcher and Mila Kunis. Kinasal sila noong 2015 at may dalawang anak na.

Ayon sa reports, biglang binebenta na raw nila ang kanilang Los Angeles property. May estimate na aabot sa $315 million ang magiging divorce nila.

“It just shows how desperate they are to be selling the Coldwater place right now because Mila loves that house. Bets are on they’ll never get to move in before they call it quits,” sey ng source.

Pinabulaanan na raw ng reps nila Ashton at Mila ang divorce rumours. Happy raw sila at nas tumatag ang pagsasama dahil sa quarantine.

vuukle comment

YNNA ASISTIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with