^

PSN Showbiz

K Drama mas enjoy panoorin pag relatable ang character!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

 

==Natawa ako kay Ali Sotto na isa ring Koreanovela addict kasi pag nanonood daw siya, feeling maternal na parang siya ang nanay ng bidang lalaki dahil naiisip niya si Mico, ang anak niyang namatay.

Bakit daw ako may pagnanasa kila Jo In-sung at Jang Hyuk, hahaha. Kasi nga pag nanood ako, feeling ko ako iyon bidang babae na in love at feeling ko magiging step lolo ni Kinsey sina In-sung at Hyuk, di ba kaloka.

Ngayon alam mo na pag nanood ka ng kahit ano pa, para ma-enjoy mo, you put yourself sa loob ng istorya, either ikaw iyon nanay na affected, iyong bida na lumalaban o ikaw iyong in love na character sa story.

Your immersion ang magiging one reason kung paano mo mai-enjoy iyon pinapanood mo. At dahil puno ako ng ilusyon, feeling ko, ako lagi ang romantic leading lady, pinag-aagawan, at laging may sexy scene. Hahaha maloka si Ali Sotto at ‘di niya talaga kinakaya ang mga ilusyon ko.

Delivery service normal sa gitna ng krisis

Bongga na sa gitna ng lockdown, continue pa rin ang delivery service. Nakakatuwa na para bang meron ka pa rin nakikitang normalcy sa gitna ng crisis.

Palibhasa hindi ako marunong mag-book ng Grab, mag order sa Food Panda, bumili online, kaya amazing sa akin na puwede pala magtuluy-tuloy ang serbisyo basta alam mo kung paano ‘yun

At shock ako sa bilis, like kabababa ko lang ng phone ko kausap si Angel Javier Cruz at sinabi na padadalhan ako ng pizza, ayan na agad at meron nang tawag na magdi-deliver sa akin ang Grab.

Bongga. Kaya talagang dapat mainggit na ako sa mga techie, ang dami pala puwede gawin pag marunong ka, kasi naman, tamad ako mag-aral, ayan tuloy dami ko hindi alam.

Kung sabagay sa edad ko naman. Remember 73 na ako sa May.

Gabbi, Sanya at Kylie, sama-sama sa Daig...

Ngayong Linggo (April 26), isang magical na episode ang matutunghayan sa Daig Kayo Ng Lola Ko dahil muling mapapanood ang pagsasama nina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, at Sanya Lopez sa kuwento ng Witchikel sisters. Ano nga kayang mga pagsubok ang haharapin ng magkakapatid na sina Winona, Willow at Winslet?

Abangan din ang pagpapatuloy ng kuwento ni Laura Patola na pinagbibidahan ni Maine Mendoza ngayong Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Amazing Earth sa GMA-7.

vuukle comment

K DRAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with