Angel bumisita sa mga tent na tinatayo
Aside from Bela Padilla, isa pang walang takot sa coronavirus ay si Angel Locsin alang-alang sa kawanggawa.
Pinuntahan niya kahapon ang mga sini-set up nilang tent para sa hospital workers sa vicinity ng mga hospital para hindi na mag-uwian ang mga ito.
Kahapon nga ay nakitang binisita ni Angel ang mga tent na sini-set up nila.
Actually hindi si Angel ang nag-upload ng picture niya, ang followers niya lang sa Twitter.
Ang post niya lang sa Instagram ay “Operation Day 2 with my rock? #HealTheWorld” kasama ang soon to be husband niyang si Neil Arce.
God bless you more Angel and Neil.
- Latest