^

PSN Showbiz

Bulaklak ni Marian, Pila-pila ang delivery!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bulaklak ni Marian, Pila-pila ang delivery!

Mga manonood ng concert pinagma-mask

Asahang matindi ang magiging traffic ngayong araw, Valentine’s Day, payday plus Friday pa.

Plus strict ang mga concert venue dahil sa  coronavirus (covid-19). Lahat daw ng papasok sa Unified concert nina Regine Velasquez and Sarah Geronimo na ngayong gabi ang first night ay kukunan ng temperature at pag mataas ay hindi na papasukin. Pinagsusuot din ang lahat ng protective face mask.

Tonight din ang Powerhouse Valentine concert with Dessa sa Monet Ballroom of Novotel Manila in Araneta City with OPM Icon Hajji Alejandro and Philippine Madrigal Singers.

Ngayong gabi rin ang first night ng Two-gether Again nina Martin Nievera and Pops Fernandez sa The Theatre At Solaire. Seven nights ang nasabing concert ng dating mag-asawa.

Si Kris Aquino na turning 49 today ay walang paramdam kung nasaan siya matapos mag-post ng magkakaroon siya ng “relatively long, wellness birthday retreat...” na hindi kasama ang dalawang anak na sina Joshua and Bimby.

Today din ang 35th birthday ni Heart Evangelista pero hindi sinabi ni Heart kung sa Sorsogon siya magbi-birthday kasama ang mister na si Gov. Chiz Escudero. Ang post niya lang ay nakasalampak sa floor ng isa yatang convenience store habang kumakain ng ice cream.

But anyway, kung wala naman kayong plano today o takot makipagsabayan sa maraming nagse-celebrate ng Valentine dahil sa covid-19  o coronavirus manood na lang ng mga palabas sa iWant.

Mag-isa man o may kasama, may pelikula o series na siguradong babagay sa nararamdaman ngayong buwan ng pag-ibig sa iWant.

Hanapin ang perfect na makakaramay sa saya at lungkot, tungkol sa “buhay single sa My Single Lady, Past, Present, Perfect? at Hinahanap-hanap Kita.  Sagot din nila ang Valentine’s date kapag sinunod-sunod ang ro­man­tic movies dito gaya ng MOMOL Nights, Glorious, Last Night, Love You to the Stars and Back, A Very Special Love, Dear Other Self, mga pelikula ng KathNiel, Jadine, LizQuen, KimXi, at marami pang iba.

Kung ang hanap naman ay sakit o pampapawi ng lungkot, pwedeng i-stream ang iWant originals na Ampalaya Chro­nicles at  Uncoupling at mga pelikulang  The Breakup Playlist, Labs Kita, Okey Ka Lang?, at Starting Over Again.

Tambak naman ang naging delivery ng Flora Vida by Marian ni Marian Rivera kahapon.

Sa kanyang IG story, nakapila na for delivery ang mga order sa kanyang flowers na taon ang itinatagal.

Mag-deliver din kaya si Dingdong Dantes this year sa lucky costumers ng Flora Vida?

Last year ay personal na nag-deliver ang actor habang naka-motor ng ibang pa-order ni Marian.

Maligayang Araw ng mga Puso everyone. Pinaka-importanteng mag-ingat sa virus na ang matinding tinamaan talaga ay ang Asian tourism. Imagine na pati ang Sagada ay suspended na ang lahat ng activities.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with