^

PSN Showbiz

Maganda at talented actress, kabaliktaran sa pangalan ang kakaibang ugali

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na namin papangalanan ang mga personalidad na nagkukuwentuhan isang gabi tungkol sa isang female personality na mahirap ispilengin ang ugali.

Madalas masulat na maldita ang babaeng personalidad na medyo bata pa naman ang edad, maraming naguguluhan sa kanyang attitude, parang may kulang sa kanya na hindi maintindihan ng kanyang mga katrabaho.

Kuwento ni Actress A, “Nakasama ko na siya nu’n sa isang project. Okey naman siya nu’ng una, nagbibigay-respeto naman siya sa mga senior stars, pati sa production staff kapag dumarating siya.

“Pero ‘yung mood swings, totoong meron siya nu’n, dahil mahirap kapain ang ugali niya. Hindi mo malalaman agad kung okey ang gising niya, kung wala siya sa mood, dahil hindi naman siya kumikibo!

“Sumpungin talaga siya dahil may mga panahong hindi ka niya kikibuin kahit pa magkaharap na kayo. Minsan naman, napakalayo pa lang niya, e, sumisigaw na siya, nasa mood siya kapag ganu’n!

“Kapag ganu’n kasi ang ugali ng tao, e, iisipin mo na lang ang childhood niya. Baka kasi nagkaroon siya ng traumatic experience na hanggang ngayon, e, dala-dala pa rin niya,” napapailing na kuwento ni Actress A.

Halos ganu’n din ang pag-aanalisa ni Actress B sa magandang female personality. Ilang beses nitong nakatrabaho ang aktres kaya sanay na ito sa kanyang ugali.

Kuwento naman ni Actress B, “Hindi pa man kami nagsisimula ng taping, e, may mga nagkuwento na sa akin tungkol sa kakaibang attitude niya, so, in a way, e, meron na akong idea. And it’s true, mahirap nga siyang pakibagayan dahil hindi mo alam kung ano ang trip niya!

“Minsan, kuwento siya nang kuwento, minsan naman, e, hindi ka niya papansinin. Pero ang napansin ko talaga, e, very bitter siya sa buhay. Marami siyang nararamdamang sama ng loob.

“Wala siyang magandang sinasabi about her exes, palaging may pintas siya, marami siyang bitbit na inis sa puso niya. ‘Yun din ang naisip ko, baka meron siyang mga karanasang sobrang nakasakit sa kanya, kaya siya ganu’n!

“Sayang siya, kailangan niyang tanggapin ‘yun, bawasan niya ang pagko-comment ng kung anu-ano specially sa social media para hindi siya naba-bash!

“O, baka naman she loves it! May mga taong ganu’n kasi, di ba? ‘Yung parang hinahanap-hanap na nila ang sakit, ang hurt, parang ‘yun ang nagpapasaya sa kanila!

“Maganda siya, very talented, ‘yun nga lang, meron siyang attitude na mahirap sakyan ng kahit sino. Nice pa naman ang name niya, pero kabaligtaran ‘yun ng ugali niya,” nanghihinayang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon may pinanggagalingan ang ‘problema’ kay KC

Dahil sa napakahabang post ni Sharon Cuneta sa kanyang IG account, siguro naman ay naiintindihan na ngayon ng marami kung bakit siya nakapagsalita nang patagilid kontra sa kanyang anak na si KC Concepcion, may punto naman pala ang aktres.

Nandu’n pa rin ang pagmamahal at malasakit, naitawid nang malinaw ng Megastar ang pagiging ina niya sa post, kasabay ang maraming tanong na kailangang tugunan ng kanyang panganay.

Nakaka-relate kay Sharon ang mga nanay na naghahanap dahil kulang na kulang sa komunikasyon si KC. Ano na nga lang ba naman ang isang text? Gumagawa ng milagro ang maigsing mensahe lang.

Napapanatag ang kalooban ng ina kapag may komunikasyon ang kanyang mga anak, mahirap ang panahon ngayon, kung alam lang ng mga anak na habang wala pa sila sa bahay ay nakapikit lang ang nanay pero gising ang diwa sa sobrang pag-alala.

‘Yun ang kakulangan ni KC, wala itong bukas na linya sa kanyang mommy, hindi alam ni Sharon kung ano na ang nangyayari sa kanyang buhay o kung nasaan na ba ang kanyang anak?

Piso lang naman ang halaga ng isang text, kailangan pa ba namang panghinayangan ‘yun ni KC, samantalang ang nag-aalala ay ang taong nagsilang sa kanya?

Tanong ng kaibigan namin, na hinaluan na rin nito ng kanyang personal na opinyon, “Baka naman kasi ipinararamdam ni Sharon na mas mahal niya ang mga anak nila ni Senator Francis?

“Magiging masakit talaga ‘yun kay KC. Dapat, pantay-pantay lang ang tingin niya sa mga anak niya para walang nararamdamang iba si KC,” sabi ng aming kaibigan.

Na totoo rin naman.

vuukle comment

UGALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with