^

PSN Showbiz

Anak ni Isko may Sunday show na

SCENE SEEN - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Isko may Sunday show na
JD

SCENE: Kasama sa regular performers sa All Out Sunday si JD Domagoso, ang aspiring actor na anak ni Manila City Mayor Isko Moreno. Malaki ang maitutulong kay JD ng All Out Sunday para mahasa ang kanyang talent at matupad ang pangarap niya na masundan ang yapak sa showbiz ng ama.

SEEN: Sina Alden Richards, Julie Anne San Jose at Miguel Tanfelix lamang ang mga pioneer ng Sunday PinaSaya na kasali sa All Out Sunday. Wala sina Ruru Madrid at Bianca Umali samantalang nauna nang magpaa­lam si Miguel sa Sunday PinaSaya bago ito nawala sa ere.

 SCENE: Si Miguel Tanchanco ang television director ng All Out Sunday. Si Miguel ang direktor ng Studio 7 at dancer din siya tulad ng kanyang nanay na si Geleen Eugenio.

SEEN: Active na uli sa social media ang nanay ng aktor na gumagamit ng fake accounts para ipagtanggol ang kanyang anak na madalas na nasasangkot sa mga kontrobersiya. Kailangan ng protective mother na depensahan ang kanyang anak dahil ito ang breadwinner ng kanilang pamilya.

SCENE: Sina Arra San Agustin, Jason Abalos at Jelai Andres ang featured guests sa No Kiss, All Tell episode ng Dear Uge na mapapanood ngayong hapon pagkatapos ng All Out Sunday.

SEEN: Matapos mapanood sa blockbuster movie na Miracle in Cell No.7, magbibida uli sina JC Santos at Bela Padilla sa On Vodka, Beers, and Regrets ng Viva Films. Mapapanood ang On Vodka, Beers and Regrets  sa February 5, 2020.

vuukle comment

ISKO MORENO

JASON ABALOS

JD

JELAI ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with