^

PSN Showbiz

Pops, may panawagan para sa kalikasan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pops, may panawagan para sa kalikasan

Isa si Pops Fernandez sa mga artistang sumusuporta sa Gabay Kalikasan na prog­ramang pinangungunahan ni Manny Pangi­linan.

Ayon sa Concert Queen ay kailangan talagang pangalagaan ang ating kalikasan para na rin sa kapakanan lalo na ng mga susunod na henerasyon. “Marami tayong naririnig at nababasa regarding our environment at totoo po lahat ‘yon and again lalung-lalo na sa ating mga anak. Simulan na natin,” bungad ni Pops.

Para sa singer ay malaki ang maitutulong ng mga kilalang personalidad upang mas palawakin pa ang kampanyang tungkol sa panganga­laga at pagsasaayos ng ating kalikasan. “This is a great thing kasi it will really help to have an awareness which we all need. Sometimes kasi we forget it na. So doing this is a good start and a lot of organizations have also done this. And we are all guilty with the mistakes. That’s why doing this is a good start and  it’s a constant reminder of what we should do for our environment,” paliwanag niya.

Ogie at Regine, matagal nang nagta-try mag-baby no. 2

Regine and Ogie

Walong taong gulang na ngayon ang anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nathaniel James.

Nangangarap umano ang singer-songwriter na masundan pa ang nag-iisang anak pero kuntento na silang mag-asawa kung talagang si Nate lamang ang ipinagkaloob ng Panginoon. “Lagi namang may road to baby number 2, pero parang malinaw naman sa amin ang mensahe sa amin ng Panginoon na, ‘Okay na kay Nate.’ Kasi matagal na kaming nagta-try, hanggang ngayon wala pa rin. So okay na ‘yon, nandiyan naman ‘yung mga kapatid ni Nate, nandiyan naman sina Leila, si Sarah soon baka umuwi na rin.

“So kumpleto na rin kami, pero kung magkakaroon eh wala tayong magagawa,” nakangiting pahayag ni Ogie.

Sina Leila at Sarah ay mga anak ng singer kay Michelle Van Eimeren na nakabase naman sa Australia. Unang nagkakilala sina Ogie at ang beauty queen nang ganapin ang Miss Universe sa bansa noong 1994. Isa sa mga kandidata noon si Michelle bilang Miss Australia.

Samantala, sa December 22 ay ipagdiriwang nina Ogie at Regine ang kanilang ika-siyam na anibersaryo bilang mag-asawa. “Yehey! Akalain mong umabot kami ng nine years. Nakita n’yo naman ang asawa ko, napakaganda. Doon pa lang wala na, talo na, tapos na ang lahat. Pero aside from that, alam n’yo ang asawa ko, in her unguarded moments, talagang mabait siyang tao. Nakikita ko ang puso ng asawa, napakabait talaga,” paglalahad ni Ogie. JCC

vuukle comment

BABY

CONCERT QUEEN

GABAY KALIKASAN

KALIKASAN

OGIE ALCASID

POPS FERNANDEZ

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with