^

PSN Showbiz

Angelica at Bea sagana sa promo

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Angelica at Bea sagana sa promo
Bea & Angelica

Sa dami ng promo na ginawa nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo para sa Unbreakable ay winner talaga ang movie at paano hindi dudumugin, dalawa sa pinakamagaga­ling at pinakamagagandang aktres ang tampok. Idag­dag mo pa na binigyan ito ng Grade A ng Cine­ma Evaluation Board (CEB) na bihira nilang ipagkaloob. 

Bagong combination pa, sawa na kasi ang mano­no­od sa yun at ‘yun ding casting. Swak sa kanila si Richard Gutierrez, hindi ito iniwan ng kanyang mga kapareha.

Makatulong sana…

Sana nga makatulong sa industriya ang pagsasanib-pwersa ng Cignal TV at APT Entertainment sa isang local comedy channel na pag-aari ng APT sa ilalim ng Cignal. Meron silang limang taon para maipakilala at mapatatag ang BuKo (Buhay Komedya)Channel. 

Naospital na pamangkin ng sultan, isolated case?!

Totoo bang naospital ang pamangkin ng sultan ng Brunei dahil sa nakakain ito ng peanut sa isa sa mga pagkaing inihain sa kanila? Buti naman at nag-iisa lang siya. Isolated case lang siguro siya if we are to believe that SEA Games people are exerting their utmost effort to please all our athlete guests.

Jennifer sablay lang sa whistle

Baka naman kumunti na ang mag-join sa mga singing contest kung ganyang sa isang pagkakamali ng isa sa pinakamagaling na The Clashers ay abut-abot na ang inaabot nilang bashings. 

Magaling naman talaga si Jennifer Miravilla but, she was not meant to success fully complete her whistle. And, now she’s out of the competition. Masaya na ba ang nanglait sa kanya? At marunong ba silang kumanta?

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with