^

PSN Showbiz

Suzi mas pinili ang UH

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Suzi mas pinili ang UH
Suzi

SCENE: Ang tila may bahid na katotohanan na biro ni Arnold Clavio na magiging ninong siya sa kasal nina Juancho Trivino at Joyce Pring. Saksi si Arnold sa relasyon nina Juancho at Joyce na nabuo sa set ng Unang Hirit. Bilib si Arnold sa determinasyon ni Juancho na maging girlfriend nito si Joyce. Kahit madaling-araw at puyat, inihahatid at sinusundo nito ang GF sa set ng Unang Hirit.

SEEN: Para kay Arnold Clavio, malaking tulong sa Unang Hirit ang social media pero maingat sila para hindi maging biktima ng fake news. Naniniwala si Arnold na feeling entitled na ang karamihan dahil sa social media.

SCENE: Nawala si Suzi Entrata bilang host ng Mars dahil magkasunod ang timeslot nito at ng Unang Hirit. Pioneer siya ng programa at pangmatagalan ang morning show ng GMA 7.

SEEN: Via Facetime at sa tulong ni Arnold Clavio, bumati kahapon ang former Unang Hirit co-host na si Rhea Santos sa mga dumalo sa presscon ng  TV show na dating kinabibilangan niya. Hindi na nahintay ni Rhea ang 20th anniversary celebration ng UH dahil kasama ang kanyang pamilya, kailangan na niya na mag-migrate sa Canada.

SCENE: Para sa mga hindi nakakaalam, parehong nagbaka-sakali ang Star Cine­ma at ang Regal Entertainment Inc. na isali sa 45th Metro Manila Film Festival ang Unbreakable at The Heiress pero parehong hindi pinalad ang mga nabanggit na pelikula na makabilang sa Magic 8 ng film festival na magsisimula sa December 25, 2019. Magkasunod ang showing ngayon ng dalawang pelikula.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

SUZI ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with