^

PSN Showbiz

2 Regal movie gagawing serye

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
2 Regal movie gagawing serye
Maricel

SEEN: Alam na ng Sunday PinaSaya cast na hanggang December 22, 2019 na lamang ang telecast ng Sunday noontime variety show nila dahil kinausap na sila ng management tungkol sa nalalapit na pagwawakas ng kanilang programa. Tumanggi si AiAi Delas Alas na pag-usapan ang kapalaran ng Sunday PinaSaya nang tanungin siya tungkol sa isyu sa contract signing niya bilang celebrity endorser ng Hobe Noodles.

SEEN: Tungkol sa malalim na pagkakaibigan na dumaan sa mga pagsubok ang kuwento ng Unbreakable nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban. Sa tunay na buhay, matalik na magkaibigan sina Bea at Angelica pero dumaan na rin sa pagsubok ang friendship nila na mas malalim at matibay ngayon, ayon sa dalawang aktres.

SCENE: Very refined Richard Gutierrez ang tawag ni Bea Alonzo kay Richard Gutierrez. Snobbish ang first impression nina Bea at Angelica kay Richard pero nagbago ang kanilang ma­ling akala nang makatrabaho nila ang aktor sa Unbreakable.

SEEN: Malaking bagay kay Bea Alonzo na si Richard Gutierrez din ang leading man niya sa bagong primetime television series ng ABS-CBN dahil komportable na sila sa isa’t isa. Kinunan sa General Santos City ang mga importanteng eksena nina Bea at Richard sa kanilang upcoming teleserye na   Kahit Minsan Lang.

SCENE: Dalawang pelikula ng Regal Films noong dekada 80 ang gagawin na teleserye ng GMA 7, ang 1984 movie na Anak ni Biday vs Anak ni Waray na pinagbidahan nina Snooky Serna at Maricel Soriano at ang 1989 Nora Aunor -Tirso Cruz III starrer na Bilangin ang Bituin sa Langit. Parehong blockbuster ang mga nabanggit na pelikula noon.

SEEN: Marami ang nanghihinayang dahil hindi kasali si Maricel Soriano sa cast ng television series na Anak ni Biday vs Anak ni Waray dahil sila ni Snooky Serna ang original stars ng movie version. Visible ngayon si Maricel dahil sa The Heiress mapapanood sa mga sinehan simula sa November 27.

SCENE: Sina Derek Ramsay at Gladys Reyes ang special guests sa blessing ng Alabang branch ng wellness at chiropractic clinic ng mag-asawang Dr. Rob Walcher at Patricia Javier. Regular patients ni Dr. Rob sina Derek at Gladys.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

REGAL FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with