^

PSN Showbiz

Alice 6 months lang gustong magtrabaho!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alice 6 months lang gustong magtrabaho!

Sa third week airing ng Madrasta pa lalabas si Alice Dixson na may special participation bilang sikat na artista na kukuning endorser ni Arra San Agustin.

Nag-taping na si Alice na ang sabi, she’s ready to work and ready to do teleserye again. Nasa work mode ang aktres ngayon na ang ginagawa pala, six months siyang tuluy-tuloy na nagtatrabaho at six months na non-showbiz things ang pinagkakaabalahan.

Naalala namin, kinukuha ng GMA-7 si Alice na regular cast ng isang tele­serye, hindi lang natuloy dahil that time yata, wala pa sa schedule ni Alice ang magtrabaho.

Magiging visible pa si Alice dahil malapit nang ipalabas ang Viva Films movie nila ni Aga Muhlach na Nuuk.

Richard mahilig mag-painting ng ari

Nakakatuwang basahin ang comments sa nabiling art work ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na tinawag ng netizens na “yellow dick” dahil kulay yellow ang manhood na ginawa ni Goma.

Hindi pa makapaniwala ang netizens na binili ng P196,000 ang painting ni Goma at gusto pang malaman kung sino ang bumili at kung idi-display daw ba ng buyer sa kanyang bahay o baka naman sa kwarto. Saka mahal daw ang P196,000 for a Goma painting, unfair daw sa legit painters.

Naka-post sa The Philippine Catalog ang “LOOK: Actor Richard Gomez’s paintings displayed at Manila Art 2019 (at ipinakita nga ang painting ni Goma.”

Sinundan pa ng post na “Last 2018, Gomez’s painting of a male genital was also quite the talk in the art world and in social media.”

Ang ibig sabihin, hindi na bago kay Goma ang mag-paint ng male genital kaya wala nang dapat ipag-react. Pero, bakit nga kaya nahihilig siya na i-paint ang ganitong subject? Saka, bakit daw kulay yellow?

Miriam may benefit concert para sa pumanaw na baby

Nakikiramay kami kay Miriam Manalo at sa kanyang asawa at pamilya sa pagpanaw ng 8-month-old daughter nilang si Layla Elleina last October 8. Na-diagnose ang baby ng Spinal Muscular Atrophy (SMA), a genetic disease na nagiging weak ang muscles.

Galing sa The Clash si Miriam at maaalala siyang the preggy contestant na naging regular sa Studio 7. Siya rin yata ang friend ni Yasmien Kurdi sa Beautiful Justice.

Magkakaroon ng benefit concert ang mga kasama ni Miriam sa Season 1 ng The Clash na Clash for Layla  sa October 21, 9pm., sa Historia Boutique Bar & Restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City. The door charge is P500 only.

vuukle comment

ACTRESS ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with