^

PSN Showbiz

Carmina at Alfred mapapanood sa iWant

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Carmina at Alfred mapapanood sa iWant
Carmina

SEEN: Mananatiling judges ng The Clash sina Christian Bautista, Lani Misalucha at ang Comedy Queen na si AiAi Delas Alas. Kumpleto na ang 60-plus competitors ng The Clash.

SCENE: Wild Little Love ang pamagat ng project nina Carmina Villarroel at Quezon City House Representative Alfred Vargas para sa iWant. Unang nagtambal sina Alfred at Carmina sa Kambal Karibal, ang top-rating primetime television series ng GMA 7 na napanood mula November 2017 hanggang August 2018.

SEEN: Ang balita na “nagkakamabutihan” na ang Starstruck Season 7 contenders na sina Abdul Raman at Pamela Prinster. Three years-older si Pamela sa 16-years-old na si Abdul.

SCENE: Biktima ng ghosting ang controversial actress dahil isang taon na tumagal ang relasyon niya sa sikat na singer-actor pero bigla na lamang na hindi ito nagparamdam. Traumatic para sa controversial actress ang na­ging treatment sa kanya ng singer-actor na matagal nang napapabalita na lulong sa masamang bisyo.

SEEN: Under renovation ang Studio 6 ng GMA Network Inc. kaya nag-advance taping si Willie Revillame ng mga episode ng Wowowin. Tatagal ng isang buwan ang renovation sa studio ng top-rating game show ni Willie.

SCENE: Sina Aiko Melendez at Gladys Reyes ang featured guests ngayon sa Bahay-Banga­yan, ang episode ng Dear Uge, ang comedy anthology ni Eugene Domingo na napapanood pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

SEEN: Ang makatrabaho ang mga award-winning actress na sina Jaclyn Jose at Cherie Gil ang isa sa mga pangarap ni Gil Cuerva. Naniniwala ang Beautiful Justice actor na madaragdagan ang mga kaalaman niya sa pag-arte kapag nabigyan siya ng pagkakataon na makasama sa teleserye ang former “sister in-laws.”

vuukle comment

CARMINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with