^

PSN Showbiz

Sam at Nadine nag-shooting sa korea

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Sam at Nadine nag-shooting sa korea
Nadine

SEEN: Ipinakita ni Paul Basinillo sa Indak ang kagandahan ng Bantayan Island sa Cebu City. Ang Indak ang unang movie directorial job ni Paul at kinunan niya ang ilan sa mga eksena ng pelikula sa Bantayan Island.

SCENE: Ang SM Megamall Cinema 1 ang venue ng red carpet premiere ng Indak noong Lunes. Maaga na dumating si James Reid na full support sa kanyang girlfriend na si Nadine Lustre at bestfriend na si Sam Concepcion na lead stars ng Indak. Mahihirap ang mga dance number nina Sam at Nadine. Ang G-Force dancers ang tumulong sa mga bagong dance choreography na mapapanood sa kanilang dance movie na magbubukas ngayon, August 7, sa cinemas nationwide.

SEEN: Ginastusan ng Viva Films ang Indak. Pinalipad sina Sam at Nadine ng Viva Films sa Seoul, South Korea para sa dance competition scene ng pelikula.

SCENE: Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule ni Alden Richards, ngayon ang unang araw ng kanyang taping para sa The Gift, ang bagong primetime television series ng GMA 7 na pagbibidahan niya. Tungkol sa pagmamahal at paghahanap ng anak sa kanyang ina na nawawala ang isa sa mga kuwento na tatalakayin sa The Gift.

SEEN: Inaabangan ng entertainment press ang pagdalo ni Dennis Padilla sa grand presscon ng And Ai Thank You, ang comedy movie nila ni AiAi delas Alas na pinrodyus ng Reality Entertainment Inc. Umaasa ang entertainment writers na magbibigay ng pahayag si Dennis tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang anak na si Julia Barretto sa break up nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

SCENE: Ang pasasalamat ni Rhea Santos sa lahat ng mga sumuporta sa labing-siyam na taon na pagiging Kapuso niya. Kasama ang kanyang pamilya, lumipad ang former host ng Unang Hirit at Tunay Na Buhay sa Canada noong Lunes ng gabi, para sa bagong chapter ng kanyang buhay.

vuukle comment

INDAK

SAM AT NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with