^

PSN Showbiz

Direk Rico at Alessandra ayaw pa ring umamin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Direk Rico at Alessandra ayaw pa ring umamin
Alessandra de Rossi at Rico Gutierrez

Kahit nung last year pa mag-on

Halatang maayos ang break-up nina director Rico Gutierrez at ex niyang si Michelle Paloma dahil nang i-post ni direk Rico sa Instagram (IG) ang bago niyang black Porsche, isa si Michelle sa nag-comment ng “nice” at nagpasalamat sa kanya ang director.

Mararamdaman lang na wala ng love sa short convo ng ex-couple, hindi gaya noong may relasyon pa sila na may sweetness ang comment.

In the same post ni direk Rico ng kanyang Porsche, nag-comment ang sinasabing GF nito ngayon na si Alessandra de Rossi. Ang sabi lang ni Alex, “Aga!!!” na sinagot ng director ng “@msderossi haha good morning!”

Samantala, wala pa ring tuwirang pag-amin sina Alex ay direk Rico sa kanilang relasyon sa pambubuking ng isang nakakaalam ay late last year pa, pero this year lang sila nagparamdam.

Paolo todo pasalamat kay Michael V.

‘Kaloka si Paolo Contis, nang-inggit pa sa sinabi sa presscon ng Family History na pasalamat siya na sa rami ng cast ng Bubble Gang, isa siya sa isinama ni Michael V.

Ang isa pa ay si Mikoy Morales na ang sabi naman ni Michael, kaya ang dalawa ang napili niyang isama dahil bagay sa kani-kanyang role. Hindi niya kinuha ang dalawa dahil trip lang niya, kundi bagay sa kanila.

Dagdag pa ni Bitoy, kailangan din niya ng cast na may matagal nang experience sa paggawa ng pelikula at swak dito si Paolo na bata pa, artista na. Tapos, ang two last movie niya, nagpakita siya ng husay sa pagganap.

Kuwento ni Paolo, nagustuhan niya na sa script reading pa lang, binigyan na sila ni Bitoy ng chance na magbigay ng inputs.

Anyway, tuloy sa July 24, ang showing ng Fa­mily History at sa July 23 ang premiere night sa SM Megamall. Siguradong magiging masaya ang premiere night ng first directorial job ni Bitoy sa cast pa lang ng Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Kapatid ni Ruru hindi pa  napapansin sa Starstruck

Ang paghingi ni Ruru Madrid ng suporta sa followers niya sa Instagram (IG) na iboto ang sister niyang si Rere Madrid sa Starstruck. Kahit iniintriga si Rere na kaya pumasok sa Final 14 dahil sa kuya niya, sabi nga ni Ruru, deserving ang sister niya na mapasali sa Final 14.

“You deserve it! Prove the people who doubt you wrong. Show everyone what you can do and who you can be. Re, always know that kuya is always here for you no matter what. I love you.”

Kailangang palakasin ni Ruru ang loob ni Rere dahil sa acting test na ginawa ni director Mark Reyes sa Final 14, nakulangan ang director kay Rere. Hindi nito nailabas ang emosyon na hiningi ng director at aminado si Rere at sa disappointment, naiyak pa.

Nakakatuwa lang na pati ang fans nina Ruru at Bianca Umali, nangakong susuportahan at iboboto si Rere na future sister-in-law daw ni Rere.

Natatandaan namin sa presscon ng Starstruck, kahit anong pangungulit, hindi napagsalita ng press people si Rere tungkol kina Ruru at Bianca. Kaya nganga that night ang mga reporter na naghintay ng pasabog mula sa kanya.

vuukle comment

MICHELLE PALOMA

RICO GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with