^

PSN Showbiz

Binibini… binago na ang schedule ng coronation!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Lumabas sa website ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. na sa June na ang kanilang patimpalak, at hindi na ito sa March o April. Wala naman silang sinabing dahilan kung bakit naging June, pero walang nabago sa mga title na paglalabanan ng mga kandidata.

Walang natanggal, wala ring nadagdag. Nangunguna pa rin sa paglalabanan ang titulong Miss Universe Philippines, at ang iba pang titulo, ang Binibining Pilipinas-International, Intercontinental, Supranational, Globe at Grand International.

Naging usap-usapan na noon ang pagtanggal ng Miss Universe dahil kay Chavit Singson na raw ito, pero kay Madam Stella Marquez-Araneta pa rin pala.

Ang isa pang alam naming hindi na nila kukunin ang franchise ay ang Ms. Grand International dahil sa post ng producer at title-holder nito sa social media na tila may pasaring sa pagkapanalo ni Catriona Gray. Tuloy pa rin pala. Nakatsikahan namin ang ilang talent managers at agents, parang mahirap daw sa kanila ang June dahil mga estudyante ang ibang sumasali, kaya medyo mahirap na sa kanila pag magbukas na ang klase.

Si Winwyn Marquez kaya sasali pa? Nakabalandra na ang billboard niya sa summer ad ng Bench.

Sabi kasi niya kung sasali siya, kailangan niyang i-surrender ang mga kontrata niya pati ang mga endorsement. May sisimulan pa raw siyang soap sa GMA 7, at may ilan pa siyang kontratang maapektuhan kung itutuloy ang pagsali. Kaya pakikiramdaman pa rin daw niya. Pero sa tingin ko, mas mabuting huwag na lang. Tama na yung nakilala siyang kauna-unahang Pinay na hinirang na Reina Hispanoamericana.

Arnell pinagtawanan ang bintang na pangungulimbat

Pinagtawanan na lang ni Arnell Ignacio ang ilang nagbibigay ng komento sa pag-resign niya sa OWWA, na marami na raw kasi siyang nakulimbat kaya umalis na ito.

Ang medyo na-hurt lang siya, ang ilan pang kasamahan sa movie industry ang nagsasabi nun, na naging kaibigan din naman niya noon. “Sana alam nila yung pinagsasabi nila. Akala nila ganun kadali?

“Kasi yung iba, basta may masabi lang na parang nagtsitsismis lang sa kanya, na ‘uy! Siguro ang dami nang nanakaw yan kaya umalis na sa OWWA,” pahayag ng actor/TV host.

Kaya nalulungkot daw siya sa mga kasamahan niya sa gobyerno na nagtatrabaho nang maayos, tapos pag-isipan pang nagnakaw. Kaya nga tinanggap niya ang endorsement nitong partylist na Juan Movement dahil hindi naman niya kikitain ito sa gobyerno.

Kailangan lang niyang mag-resign para hindi magkaroon ng conflict sa kanyang trabaho sa OWWA.

Pero willing naman daw si Arnell na mag-consultant kung sakaling mabigyan daw ng magandang offer, gusto na rin niyang bumalik sa showbiz.Tinatanong nga niya sa akin, kung puwede pa raw kayang alukin siya uli ng Ang Probinsyano? Dati kasi tumatanggi pa siya, pero ngayon daw ay puwedeng-puwede na siya.

Panagbenga dinagsa ng mga artista at pulitiko!

Nagdagsaan na sa Baguio ang mga gustong mag-promote ng mga programa dahil sa rami ng taong gustong saksihan ang Panagbenga Festival 2019.

Sumabay pa ang mga kilalang pulitiko na talagang nagtiyagang maglakad sa kahabaan ng Session road para makapagkampanya na rin. Ang senatoriable na si Bong Revilla Jr, ang isa sa pinag­kaguluhan doon na artista pa rin talaga ang tingin sa kanya roon, hindi pulitiko.

Isa rin sa nagparada roon ay ang Dragon Lady na magsisimula na sa Lunes, March 4, sa afternoon drama ng GMA 7, pagkatapos ng Eat Bulaga na pinangunahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez kasama sina James Blanco at Diana Zubiri.

Samantala, ngayon palang 10 ng umaga, magkakaroon ng rerun ang pilot week ng Kara Mia: The Enchanted Beginning. Naka-focus na kasi kina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang mga susunod na episodes kaya mas mabuting mapanood muna ang pagsisimula nito.

vuukle comment

INC.

BINIBINING PILIPINAS CHARITIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with