^

PSN Showbiz

Yassi may inamin tungkol sa kanila ni Coco

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pigil pero may hugot ang mga sagot ni Yassi Pressman nang matanong kung nakaka-relate ba siya sa kanyang karakter sa pinakabagong pelikula ng Viva Films, ang Para Sa Broken Hearted.

Ayon sa aktres ay syempre ay naranasan na niyang ma-brokenhearted. At isa sa mga na-realized niya sa pangyayaring ‘yun sa buhay niya ay ang importansya ng pag-iyak.

“Kasi the more na i-deny mo ‘yung sakit, mas mahihirapan ka rin na magtago nun.”

Gaano katagal ba siyang nag-move on?

“Medyo matagal… naranasan ko nga po yung time na akala ko, okay na ako, eh. Tapos 10 months later, one year, hindi pa pala.”

Ayon pa sa aktres, marami rin daw siyang natutunan sa naranasan niyang pagkasawi sa pag-ibig.

“Okay lang na ma­ging hindi okay.”

“Mas okay makaram­dam ng pain para ma-appreciate kung paano maging masaya.”

Para naman sa mga curious kung may karelasyon ba ngayon si Yassi, “I’m not in a relationship,” diretsahang pahayag ng aktres.

Nang matanong kung nanliligaw ba sa kanya si Coco Martin na kasama niya ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano,  ang mabilis na sagot ni Yassi: “Hindi naman po.”

Naiisyu kasi sa isa’t isa sina Coco at Yassi dahil sa matagal na exposure ng huli sa naturang primetime action series. Tila ayaw daw kasing mawala sa paningin ni Coco ang aktres kaya present pa rin ang kanyang karakter na Alyan­na pero buwelta ni Yassi, “hindi lang naman po ako ang inaalagaan niya, lahat po kami.”

Matipid si Yassi sa pagsagot sa kanyang lovelife.

Gusto raw niya sanang itira na lang ito sa sarili bilang hindi naman niya ipinagdadamot sa kanyang   suporters ang mga kaganapan sa kanyang trabaho at maging sa pamilya.

Samantala, hindi na idinetalye pa ng aktres ang tungkol sa kanyang karakter sa naturang pelikula na secret daw at mas mabuti kung mapapanood sa big screen. Basta pareho lang daw sila ng gusto ng kanyang karakter sa pelikula, ang maging masaya.

Palabas na ang Para Sa Broken Hearted sa October 3.

Sam parang namatayan sa break up nila ni Kiana

May pagkaseryoso naman si Sam Concepcion nang mapag-usapan ang pagiging wasak sa pag-ibig.

Kamakailan lang ay napabalitang hiwalay na sila ng anak ni Gary Valenciano na si Kiana.

“When you’re going through a break up kasi, para siyang death practice. ”

Malamang na ang ibig sabihin dito ng aktor ay preparation sa pagkawala ng isang tao. Hindi mo raw masasabi ng 100% na ikaw ang same person.

Importante raw sa hiwalayan ang acceptance dahil doon kayo parehong matututo.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with