^

PSN Showbiz

Boss Vic may parody sa twitter

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Boss Vic may parody sa twitter
Sarah at Boss Vic

Grabe, may parody account na rin sa Twitter si Boss Vic del Rosario.

Kaya ingat ingat din ang mga gustong magkaroon ng connect kay Boss Vic ng Viva Group of Companies, baka hindi n’yo ma-check, mapeke kayo.

Though nakalagay naman dun na parody account, pero you never know, baka may mga desperadong sumikat na doon kumontak.

“Kung gusto mong sumikat, magpasikat ka,” ang nakalagay sa account ni Boss Vic na siyempre ay nagpasikat kina Anne Curtis, James Reid and Nadine Lustre at maraming-marami pang iba.

Siya ang utak ng mga pelikulang box office hit ng Viva Films kaya hindi malayong baka makalinlang ang nasabing parody account ni Boss Vic.

Maging ang ipa­lalabas na Miss Granny, ang local version ng Korean hit movie ay  siya ang namili. Siyempre ay starring sa Miss Granny sina Sarah Geronimo, James Reid and Xian Lim. Showing na ito sa August 22, directed by Joyce Bernal.

Inaabangan na ng mga nanay ang pelikula na kuwento tungkol sa isang lola na bumalik sa kanyang kabataan.

vuukle comment

VIC DEL ROSARIO

VIVA GROUP OF COMPANIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with