^

PSN Showbiz

Sue at Joao, hinay-hinay muna!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sue at Joao, hinay-hinay muna!
Sue at Joao

Hindi pa opisyal na magkasintahan sina Sue Ramirez at Joao Constancia kahit madalas silang lumalabas mula pa noong isang taon.

Ayon sa aktres ay talagang matalik na magkaibigan pa lamang sila ng BoybandPh member. “Unofficially kami, lumalabas po kami, alam naman po siguro ng lahat ‘yon,” bungad ni Sue.

Para sa dalaga ay hindi naman sila nagmamadali ni Joao upang maging magkarelasyon pero masaya sila sa tuwing magkasama. “May mga bagay na talaga na hindi pwedeng madaliin. We cannot rush ourselves into things na dahil gusto natin, gagawin na natin lahat,” giit ni Sue.

Sa ngayon ay ini-enjoy na muna nina Sue ang mga sandaling nagkakasama sila  at dahil dito ay mas lalo pa nilang nakikilala ang bawat isa. “Take time to know the person. Gawing foundation ang friendship, gawing foundation ‘yung trust and respect. May mga bagay siguro na hindi po minamadali, ‘yung nagte-take kayo ng time na kilalanin ang isa’t isa at saka ‘yung kayang pressure, ‘yung hindi n’yo kailangan i-push ‘yung isa’t isa,” paliwanag ng aktres.

Elisse at Mccoy, hindi na nagkikita at nagkakausap

Hindi na raw halos nagkakausap at nagkikita ngayon ang dating magkatambal na sina Elisse Joson at McCoy de Leon. “Hindi po kami masyadong nagkakausap ngayon eh. Pero no’ng nag-usap kami the last time, okay naman po kami. Pero hindi na po kami nag-uusap like regularly,” pagtatapat ni Elisse.

May kanya-kanyang ginagawang proyekto nga­yon ang dalawa kaya medyo nawalan na ng komunikasyon sa pagitan nila. “Hindi ko po alam actually. Okay naman po kami na bini­bigyan kami ng separate work and individual projects. Okay naman po,” giit ni Elisse.

Iba-ibang reaksyon ng mga tagahanga ng dalawa ang natatanggap nina McCoy at Elisse mula nang hindi na nagkatambal muli sa mga ginagawang proyekto. “May fans siyempre, hindi okay sa kanila. Iba-iba po ang reaction. May mga iba naman they’re understanding din and ‘yung iba naman po pinapakita pa din ang suporta sa amin whether individual or together,” kwento ng aktres.

Ipinagkakatiwala na lamang umano ni Elisse sa pamunuan ng Star Magic na siyang namamahala sa kanila ni McCoy kung ano man ang naging desisyon nito para sa kanya-kanyang karera. “Hindi ko naman din po expected na magkakaroon ng ganito or anything. Pero I think lahat naman po may rason talaga,” makahulugang pahayag ng dalaga.

vuukle comment

JOAO CONSTANCIA

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with