^

PSN Showbiz

Dingdong game na makahalikan si Vice Ganda

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Dingdong game na makahalikan si Vice Ganda
Dingdong

PIK: Usap-usapan ng mga supporters ni Alden Richards na mas gusto talaga nilang laging napapanood ang Pambansang Bae sa Victor Magtanggol.

Kapag ibang karakter ang madalas na napapanood, hindi raw type ng mga manonood. Kaya tiyak na mas maraming eksenang involved si Alden, lalo na’t maging hammerman na siya na kung saan may po­wers na siya bilang si Victor Magtanggol.

Thankful si Alden sa patuloy na suporta sa kanya, kaya patuloy itong lumalaban sa matinding katapat.

Kaya maganda rin ang pagsisimula ng Onanay na kung saan tinaasan nito ang katapat na Bagani, na dinig namin minamadali nang tapusin.

PAK: Nanghinayang si AiAi delas Alas dahil hindi siya makakadalo sa awards night ng Cinemalaya sa darating na Linggo, August 12. Taping daw kasi niya sa The Clash kaya hindi talaga siya puwedeng tumakas.

Proud kasi si AiAi sa mga kasamahan niyang bata sa Cinemalaya entry niyang School Service dahil magagaling silang lahat.

“Magaling silang lahat. Madalas nga nagsu-sorry ako sa mga bata kasi nabubugbog ko sila,” pakli ni AiAi.

Bad daw kasi siya rito sa pelikula, kaya parang nahihiya raw siya magdasal sa Diyos na panalunin siya rito bilang Best Actress, dahil mura raw siya nang mura sa pelikulang ito.

“Dito kasi hindi ko masabi na bahala na si Lord kasi dito mura ako nang mura. Baka sabihin ni Lord, ‘O neng mura ka nang mura diyan, huwag ka nang humi­ngi sa Akin,” natatawa niyang pahayag nang nakatsikahan namin sa gala night ng School Service sa CCP nung nakaraang Linggo, August 5.

BOOM: Si Dingdong Dantes ang isa sa sumuporta kay Ogie Alcasid sa gala night ng Cinemalaya entry niyang Kuya Wes kamakalawa ng gabi sa CCP.

Wish din nga ni Dingdong na makagawa ng pang-Cinemalaya na siya ang artista o kahit magdirek.

Natanong na rin namin kay Dingdong ang tungkol sa pelikulang pagsasamahan nila ni Vice Ganda at Richard Gutierrez.

Nagsu-shooting na raw pero hindi pa nakapagsimula ang GMA Primetime King. Excited na rin daw siyang makasama si Richard, pero hindi pa niya alam kung kailan sila magkikita sa shooting.

Napangiti na rin si Dingdong nang tinanong namin okay lang ba na may kissing scene sila ni Vice Ganda?

“Siya dapat tanungin nyo. Ready ako sa lahat na mga challenges bilang aktor di ba?

“Saka siyempre, ano yan…siya dapat ang makakasagot niyan,” natatawa niyang sagot sa amin.

Isasabay na rin ni Dingdong sa shooting ang gagawin niyang drama series sa GMA 7 na kung saan makakasama niya si Dennis Trillo.

Samantala, nagsimula na rin palang mag-shooting sina Coco Martin at Vic Sotto para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry nilang Popoy Em Jack: The Puliscredibles. Medyo may kahigpitan lang sa set dahil marami raw silang mga surprises sa pelikulang iyun.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with