^

PSN Showbiz

Rich buntis na agad

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rich buntis na agad
Ben at Rich

Masayang ibinalita ng Kapuso actress na si Rich Asuncion na ipinagbubuntis niya ngayon ang magiging first baby nila ng Fil-Australian husband niyang si Ben Mudie.

Ang announcement ng pagkakaroon nila ng baby ay itinaon sa kaarawan mismo ni Ben last July 31 na masayang-masaya na magkakaroon na sila ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya.

Sina Rich at Ben ay ikinasal sa isang simpleng civil rites sa Hong Kong last May 28, 2018 na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Vic at Orly itutuloy sa pelikula ang partnership

Kung ang magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad ay naging successful business partners sa pamamagitan ng number one recording company noon, ang Vicor Music Corporation na pinagmulan ng pinakamalalaking recording stars and artists ng bansa, mukhang hindi imposible ang muling pagsasanib-puwersa ng dalawa sa pagpu-produce ng pelikula.

Sina Boss Vic at Boss Orly ay matagal na nagkakuwentuhan sa recent wake ng mother ni Boss Vic na si Mommy Dely at dito nabuo ang plano nilang mag-joint forces sa paggawa ng pelikula. Balak ni Boss Vic na gawing Vicor Films ang joint venture nila ni Boss Orly.

Sa pagkakaalam ko ay nag-meeting na ang mag-pinsan last Tuesday na may kinalaman sa kanilang joint movie production.

Jackie at pamilya sa Pinas na gustong tumira

Pinasasalamatan ng dating actress na si Jackie Forster ang kanyang husband of eleven years na si Michel Franken dahil sa pagiging understanding at supportive nito sa kanya lalo na nung mga panahong gustong-gusto niyang makita at makapiling ang kanyang dalawang anak sa u­nang asawa na si Benjie Paras na sina Andre at Kobe Paras.

Sina Jackie at Michel ay naging mag-asawa in 2007 at meron na silang tatlong anak – sina Jared, Caleigh at Yohan.

Ngayong maayos na ang relasyon ni Jackie sa kanyang two grown up sons na sina Andre at Kobe, masaya para sa kanya ang mister niyang si Michel.

Samantala, balak umanong mag-artista ng 7-year-old na si Caleigh at may planong mag-relocate sa Pilipinas (from London) si Jackie at ang kanyang pamilya.

 

 

vuukle comment

RICH ASUNCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with