^

PSN Showbiz

ABS-CBN, wagi ng limang Philippine Quill Awards

Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN, wagi ng limang  Philippine Quill Awards

MANILA, Philippines — Limang tropeo ang naiuwi ng ABS-CBN sa 16th Philippine Quill Awards para sa iba-ibang proyekto at kampanya nito kabilang ang Moonchasers.ph na online fan community ng teleser­yeng La Luna Sangre.

Isang website para sa mga tagapanood ng teleseryeng La Luna Sangre ang Mooncha­sers.ph na nagbigay ng pagkakataon sa fans ng progr­ama na maranasan ang magkasama-sama upang tulungan si Tristan (Daniel Padilla) sa paghahanap ng mga lobo at bampira.

Samantala, nanalo rin ang  kampanyang Pinoy Tsuper Hero ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI) na kumilala sa mga huwarang drayber at humimok sa aabot sa 20,000 na tsuper na makiisa sa paglaban sa polusyon at pagpapalaganap ng ligtas na pagmamaneho.

Panalo rin ang pambatang channel na YeY ng ABS-CBN TVplus para sa Cedie Premiere: A National Children’s Month 2017 Special Celebration, kung saan nakapanood ang mga benepisaryo ng ALKFI ng digitally restored at remastered na pelikulang “Cedie” at nakapasyal pa sa KidZania Manila. 

Nakatanggap din ng pagkilala ang online awards show na Push Awards 2017 sa paglalapit sa fans sa kanilang mga idol sa isang event kung saan ginawaran ang Kapamilya stars na binoto mismo ng mga netizen.

Panalo rin ang proyektong Spoken Hugot contest na nagbigay ng pagkakataon sa mga empleyado ng ABS-CBN na ilahad ang kanilang mga saloobin at li­nangin ang kanilang galing sa spoken word poetry.

vuukle comment

ABS-CBN

PHILIPPINE QUILL AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with