^

PSN Showbiz

Pokwang nagwala sa punang binubuhay ang dyowang Amerikano

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Pokwang nagwala sa punang binubuhay ang dyowang Amerikano
Lee at Pokwang

Bimby gusto na mag-reach out, Kris ‘nagamit’ si James sa Father’s Day!

SEEN: Bumalik kahapon si Mariel Rodriguez bilang co-host ng It’s Showtime. Dalawang taon na hindi napanood si Mariel sa noontime show dahil nagpahinga siya nang isilang ang panganay nila ni Robin Padilla.

SCENE: Ang paratang ng fans na diumano’y muling panggagamit ni Kris Aquino sa ex-husband nito na si James Yap sa publicity noong Father’s Day. Inihayag ni Kris na handa sila ng kanyang anak na si Bimby na mag-reach out kay James para maging maayos na ang kanilang relasyon.

SEEN: Proud mommy si Jackie Forster dahil ang kanyang anak na si Kobe Paras ang bagong celebrity endorser ng isang sikat na brand ng sportswear.

SCENE: May anggulo na kahawig ni Pokwang si LJ Reyes sa guesting niya sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN noong Sabado. Headline si Pokwang ng mga gossip news dahil sa pang-aaway niya sa tao na nagsabi na siya ang bumubuhay sa kanyang American husband na si Lee O’Brian.

Sabi niya sa isang basher: “Sorry ha hindi kasi ako patay gutom sa pera! At hindi sa pera nasusukat tunay na pagmamahal p**a ka! Kung sa bagay nasa itsura mo ang sabik sa pera pambili ng whitening lotion mo na mukha kang anan na kumalat!”

“Ano problema mo? ikaw ba nagpapalamon? kung wala kang kaligayahan sa buhay, sa impierno ka pumunta!

“tapos kapag sumagot at lumaban kaming artista sa mga pangdadaot nyo, sasabihin nyo agad masama pala ugali ng artista?

“ano? Kayo lang may karapatan masaktan at sumagot? Hunghang! eto lang masasabi ko bilang tao at hindi ako Dios!,” buwelta naman niya sa isa pa.

SEEN: Rated R-16 ng MTRCB ang Cry No Fear ng Viva Films dahil sa mga bayolenteng eksena sa pelikula na tinatampukan nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

SEEN: Mga diyosa ang role nina Diana Zubiri at Andrea Torres sa Victor Magtanggol, ang upcoming primetime teleserye ng GMA 7.

SCENE: Kahapon ang unang araw ng taping ni Jeric Gonzales para sa Ika-5 Na Utos, ang bagong afternoon drama series ng GMA 7. Si Laurice Guillen ang direktor ng Ika-5 Na Utos at siya rin ang direktor ng successful teleserye na Ika-6 Na Utos.

vuukle comment

LEE O’BRIAN

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with