Aga pumayat na uli, lumipad na kasama si Bea sa Canada
MANILA, Philippines -- Ngayong araw naka-schedule bumiyahe pa-Canada si Aga Muhlach.
Doon ang shooting ng pelikula nila ni Bea Alonzo. Almost a month silang mag-i-stay sa Vancouver at naka-schedule silang bumalik ng Manila sa July 8.
Actually, hindi pa masyadong nagtatagal si Aga nang dumating galing Greenland. Nag-shooting naman sila doon ni Alice Dixson para sa pelikula nila.
Wala pang playdate ang dalawang movie ng actor.
Samantala, ang agang dumating ni Aga sa ginanap na Nominees Night ng The Eddys last Sunday night na ginanap sa 38 Valencia Events Place.
As in super on time. Five o’clock ang call time ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa lahat ng nominees, at pagtawag niya sa akin ng before 5:00 p.m. after five minutes lang ay dumating na ang actor na nominadong best actor para sa pelikulang Seven Sundays.
Comeback movie ni Aga ang Seven Sundays after niyang mamahinga sa showbiz.
At bumalik na rin sa dati ang katawan ng aktor. Payat na uli siya dahil sa exercise at diet.
Aside from Aga, dumating din sa ginanap na Nominees Night na sponsored ng Film Development Council of the Philippines headed by Chairperson and CEO Liza Dino sina Edgar Allan Guzman na nominated for Deadma Walking (Best Actor), Mary Joy Apostol for Birdshot (Best Actress category), Sid Lucero for Smaller and Smaller Circles (Best Supporting Actor nominee), Best Director Nominees – Mikhael Red (Birdshot), Julius Alfonso (Deadma Walking), Treb Monteras II (Respeto) at marami pang iba.
Naging host ng Nominees Night ang super gorgeous na si Rhian Ramos.
- Latest