^

PSN Showbiz

Maricel hinahamon si Paolo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Maricel hinahamon si Paolo!

Tuluy-tuloy na ang pagiging active sa showbiz ni Maricel Soriano simula sa Regal Entertainment movie na My 2 Mommies na showing sa May 9. Sa May 7, first taping day niya ng The General’s Daughter at kung masusunod ang schedule ni Eric Quizon, gagawin na nila ni Maricel ang Wi­dow/Widower.

Natanong si Eric kung ano ang nagustuhan niya kay Maricel at ang unang sinabi ng actor/director ay “Maaasahan siya. ‘Pag kailangan mo ng advice, hindi lang love advice, pati sa family sa kanya ka pumunta. She always has something good to say.”

Para naman kay Maricel, “Si Eric mahaba ang pasensya. Minsan, galit na ako, siya hindi pa rin galit. Nagrereklamo lang, pero hindi nagagalit. Pinkish ang tawag ko sa kanya dahil tingnan n’yo naman ang cheek. Si Eric din ang taong allergic sa sariling pawis.”

Para nang magkapatid sina Eric at Maricel at nabanggit ni Eric na kung si Dolphy lang ang nasunod, ayaw nitong gumawa ng pelikula si Maricel, sa John En Marsha lang siya.

Samantala, may dare si Maricel kay Paolo Ballesteros, gumaganap niyang pamangkin sa My 2 Mommies at ito’y ang gayahin siya via make-up transformation. Siguro bago ang showing ng pelikula nila at pagkatapos gayahin si Solenn Heussaff, isunod na ni Paolo si Maricel.

Angelica laging nakabantay sa post ni Glaiza

Aprubado sa sumusubaybay sa Contessa ang new look ni Glaiza de Castro para bumagay sa pagbabago ng karakter sa afternoon prime ng GMA 7. Mula sa pagpapakulay ng hair na silver, sa sexy outfits at high heeled shoes, ay gustong-gusto ng viewers.

Nag-trending sa Twitter at pinag-uusapan hindi lang ng fans ni Glaiza, pati fans ng soap ang pagbabago niya ng anyo.

Napansin lang namin na masipag mag-comment ang good friend ni Glaiza na si Angelica Panganiban kapag may post si Glaiza tungkol sa Contessa.

Mananalo sa RD inaabangan na

Ngayong Huwebes na gaganapin sa Marco Polo Hotel sa Pasig ang Reader’s Digest Trus­ted Brand Awards. Sa awards night malalaman kung sino ang personalities sa entertainment at media industry ang mananalo sa 20th year ng event.

Laging malaking karangalan ang mapabilang sa pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy at inaabangan kung sino ang magiging Most Trusted TV News Presenter, Radio Presenter, Entertainment Presenter at Sports Personality.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

MY 2 MOMMIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with