^

PSN Showbiz

Aiza at Liza mag-aampon na lang?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica M. Samio - Pilipino Star Ngayon

Akala ko ba ay pipiliting magkaanak nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa pamamagitan ng makabagong proseso ng medisina? Eh bakit pa sila nagbabalak na mag-ampon?

Mukhang hindi pa rin nila kaya ang proseso ng Invitro kaya maghihintay pa sila. Mahirap namang malagyan ng kulay ang pag-aanak nila dahil nasa gobyerno pareho sina Aiza at Liza. Baka nga naman mapagsuspetsahan pa ang pera nila at sabihin na pera ito ng gobyerno.

Arron walang napala kay Yen?!

Sayang at hindi nauwi sa totoong relas­yon ang friendship nina Arron Villaflor at Yen Santos. Si Yen ang pinakahuling leading lady ni Piolo Pascual sa Northern Lights: A Journey To Love na sa halip na sa kanyang kapareha i-link ay sa direktor ng pelikula at sa isang pulitiko ikinakabit ang pangalan. ‘Di bale kay Arron dahil nagligawan sila, pero sa pulitiko at maging sa direktor ay talagang zero ang relasyon ng aktres kaya madalas ang tanggi niya sa mga ito.

Kawalan ng oras ang dahilan ng hindi pagkakatuloy sa romansa ng kanilang pagkakaibigan, at ang kani-kanilang pamilya na prayoridad nila. Pero kahit bulilyaso, pursigidong maghintay si Arron na lumambot ang puso ni Yen sa iniluluhog niya, pero sa ngayon ay tanggap niya ang desisyon ng dalaga.

Jaclyn walang paki sa reklamo ni Jake

Kung kay Andi Eigenmann ay hindi gaanong mahihirapan si Jake Ejercito sa custody case niya kay Ellie, sa lola nito siya mahihirapan. Mariing sinabi ng Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose na ipaglalaban niya ang apo. Hindi siya papayag na masaktan ito lalo na ng kanyang ama.

Inamin niyang wala siyang kaalam-alam sa isinampang kaso ni Jake pero naniniwala siya na may dahilan ito. Hahayaan niyang si Andi ang sumagot nito.

Martin hindi pinabayaang nganga

Kahit nabawi sa kanya ang namatay na pero muling nabuhay na character ni Benjamin Alves si Julie Anne San Jose, hindi naman pinayagan ng GMA na maiwang nag-iisa at nganga ang character ni Martin del Rosario. Binigyan ito ng sarili niyang kapareha sa katauhan ni Kim Rodriguez. Masaya na rin ang aktor sa kinahinatnan ng kanyang role.

Itinuturing niya na isa sa pinakamaganda niyang project,  ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with