^

PSN Showbiz

Singer mahilig mag-imbitang kanegahan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking pagtitipon ay umagaw ng oras at atensiyon ang isang male personality na nakikipagbangayan ngayon sa social media. Aktibo siya sa pagsagut-sagot sa mga bira sa kanya ng mga netizens.

Negang-nega ang kanyang imahe, meron mang kaalyado ang male personality ay mga kakulay lang niya ‘yun sa mundo ng pulitika, bukod du’n ay para na siyang iniihaw palagi dahil sa kanyang kanegahan.

Isang kapwa niya singer ang nagkomento, “Bago pa ba naman ‘yan? Dati na siyang nega! Sa kanilang grupo nu’n, e, siya ang palaging nagpapahirap sa mga talent coordinator ng mga variety shows.

“Okey na ang mga kasama niya, pero siya naman, e, napakarami pang tanong! Dressing room na lang ba naman, e, kailangan pang pagtalunan? Ayaw niyang may kasama siya sa dressing room habang naghihintay siya sa pagsalang ng grupo niya!

“Imagine, mga kasama na mismo niya ‘yun, ha? Mga kaibigan at kasamahan na niya mismo, e, ayaw pa rin niyang makasama sa waiting area? Ano ‘yun? OA siya, negang-nega!” kuwento ng kasamahang singer ng male personality.

At mahilig pala talaga siya sa pakikipag-argumento. Kapag yes ang stand ng lahat ay no naman siya. Wala lang, para lang may makadiskusyon siya, para lang siya bumida sa mga kuwentuhan.

“Ganu’n na siya kahit nu’n pa. Kailangang may makaargumento siya. Lalo na kapag sa ibang bansa ang performance nila, naghahanap talaga siya ng makakapalitan ng mga opinyon.

“Kaso, dahil kilala na nga siya sa pagiging mahilig sa diskusyon, e, iniiwasan na siya ng mga co-singers niya! Nagpapanggap silang tulog na, meron namang sumasakit ang ulo dahil sa biyahe!

“Kaya hindi na bago ang pagiging negang-nega niya ngayon, dati na siyang ganyan, nag-iimbita talaga siya ng kanegahan! Maghanap na lang siya ng shampoo na magiging solusyon sa pagiging panot niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Probinsyano ni Coco hindi na tsutsugiin!

Sa pinakahuling kuwentong nakarating sa amin ay hindi pa muna tatapusin ang halos dalawang taon nang Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kumpirmadong nagkaroon ng planong tapusin na sana ang palabas pero kumontra ang mga kababayan natin.

Kaya pala sa teaser nila ay meron nang maririnig-mapapanood, “Huwag kayong mag-alala, mahabang-mahaba pa ang ating pagsasamahan,” bilang tugon sa hiling ng mga Pinoy na pinasasaya ng serye gabi-gabi.

Magastos ang pagbubuo ng bawat episode ng serye. Sa maaaksyong eksena pa lang nila ay parang naiimadyin na namin kung gaano katindi ang gastos ng produksiyon.

Pero kayang-kaya namang bawiin ‘yun ng ABS-CBN sa mga patalastas na karga ng Ang Probinsyano, siksik na siksik sila sa commercials, magkano ang bawat ad placement kapag primetime ang isang programa?

Napakalakas ng karisma sa publiko ni Coco Martin, kuhang-kuha niya ang panghalina sa ating mga kababayan ng idolo niyang si FPJ (Fernando Poe, Jr.), bagay na bagay niyang gawin ang mga pinagbidahang pelikula ng Hari Ng Aksyon dahil hindi nagkakahuli ang pagmamahal sa kanila ng manonood.

Bakit ba lumulutang ang husay sa pagganap ni Arjo Atayde? Dahil ‘yun sa pang-aapi nito kay Ricardo Dalisay, ganu’n din ang kinaiinisang magaling na premyadong aktor na si Tito Eddie Garcia, ang ama ni Agot Isidro sa kuwento.

Nahuli ni Coco ang pulso ng masang Pinoy. Ang pagiging modelo niyang pulis, ang matinding pagmamahal niya sa kanyang pamilya, ang paghihimagsik sa pakikipaglaban kapag siya ang nasa tama.

Malaking atraksiyon din sa serye ang mapagmahal niyang lolang si Manang Inday (Susan Roces), ang hindi pang-iiwan sa kanya ni Yassi Pressman bilang karelasyon, at ang mga bibong bata na sina Awra, Onyok, at Paquito na maraming pakakainin ng alikabok sa galing magsiarte.

So, matatagalan pa ang Ang Probinsyano, huwag nang malungkot ang mga kababayan nating nakikiusap sa ABS-CBN na huwag munang tapusin ang magdadalawang taon nang seryeng gabi-gabi nilang niyayakap ang kuwento.

Ayos!

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with