^

PSN Showbiz

Second runner-up sa TNT mas magaling?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nanghihinayang ako na nag-2nd runner-up lang sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime ang paborito kong si Froilan Canlas. Walang tatalo sa kanya sa vocal calisthe­nics. Maganda rin ang mga areglo ng mga bina­natan niyang mga kanta, kasama na ang tatlong kanta sa paghaharap nila nina Noven Belleza at Sam Mangubat. Pero paano mo haharangan ang swerte? Time ‘yun ng mag­sasaka from Negros Occidental na siguro ay may na­ga­wang maganda sa kanyang buhay para pagka­looban siya ng ganun kalaking swerte. Pero hindi naman 100% na swerte ang natanggap niya dahil may maganda rin siyang boses at nagkataong tanggap na tanggap ng manonood ang mga pinili niyang kantahing Air Supply medley. Pati lahat ng hurado ay nakuha niya.

In fairness, magaling ding nairaos ni Sam Mangubat ang Hu­ling Tapatan. Hindi na siya lugi sa P500,000 na premyo niya. May pangako pa si Yeng Cons­tantino na gagawan siya ng kanta.

Pero si Froilan Canlas kaya, ano ang magiging tadhana? Mapakinaba­ngan kaya ng showbiz ang talento niya? Makuha kaya siyang vocal coach ng Kapamilya Network at makatulong ng isa ring kontesero sa pagkanta na makuhang vocal coach ng ABS-CBN artists? Sana nga dahil talagang napakagaling niya. May kapupuntahan ang P250,000 na napanalunan niya sa mga gusto niyang tulungan.

Ganito rin kaya ang maging tadhana ng susunod na serye ng Tawag ng Tanghalan Kids na magsisimulang mapanood ngayon?

MMFF Execom mas marami ang representative

Sa rami ng mga kinuhang kasapi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Execom, kakaunti lamang ang sumipot sa u­nang pa-miting na ipinatawag ng MMFF. Paano mo pa maaasahan na ma­ga­gawa nila ang trabaho na tinanggap nila kung ganyang sa unang pagkikita at pagkilala nila sa isa’t isa ay marami sa kanila ang wala? Tsk. Tsk. Tsk.

Julia mas type si Ronnie?!

Nakapakaswerte naman ni Joshua Garcia kung ang pamil­ya ni Julia Barretto ay mas gusto siya para sa dala­ga kaysa kay Ronnie Alonte. Pero kailangan niyang makatiyak na pati si Julia ay pumapabor din sa kanya dahil baka pamilya lamang ang boto sa kanya, pero si Julia ay mas gusto ang #Hashtags member.

Dapat ay magpaka-wise si Julia at huwag munang pumili sa sino man sa dalawa at i-enjoy na lang ang malaking following na tumatangkilik sa kanya kanino man siya ipareha.

vuukle comment

FROILAN CANLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with