^

PSN Showbiz

Probinsyano magpapasiklab sa Middle East

Pilipino Star Ngayon
Probinsyano magpapasiklab sa Middle East
Coco Martin

MANILA, Philippines - Ilang linggo na lang bago ang kauna-unahang FPJ’s Ang Probinsya­no Isang Pamilya Tayo sa labas ng Pilipinas, ibinahagi ng mga celebrities ang kanilang excitement sa nalalapit na selebrasyon sa December 2 sa Al Khobar at December 3 sa Dubai.

Bahagi ng kick-off ng ika-20 na anibersaryo ng ABS-CBN Middle East at bahagi ng 2016 Christmas campaign ng ABS-CBN, dadalhin ng event ang key members ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ng King of Primetime na si Coco Martin, kasama si ASAP Soul Sessionsista Daryl Ong para makisaya sa mga kababayan sa Gitnang Silangan bilang isang pamilya.

Hindi man ito ang kauna-unahang pagbisita ng King of Primetime na si Coco Martin sa Middle East, lagi niyang inaantabayanan ang mga pagkakataon na makita ang kanyang mga ka­babayan. 

Aniya, “Bago ako naging artista, nabuhay ko ang pa­milya ko sa pagsisikap ko sa abroad.  Kaya naman malapit sa akin ang mga overseas Filipinos. – naiintin­di­han ko ang kanilang pinagdadaanan. Kahit pumunta na ako rito noon para sa Walang Hanggan, excited akong makasama silang muli para sa FPJ’s Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo.

Samantala, kahit madalas si Daryl Ong sa TFC events, inaabangan pa rin niya ang pagkakataong makapag-entertain sa mga kabayan sa Gitnang Silangan.

Makakasama ni Coco at Daryl ang komedyante at sidekick ni Martin sa series na si Pepe Herrera.  “Noong unang sinabi sa akin na magiging bahagi ako ng FPJ’s Áng Probinsyano: Isang Pamilya Tayo, laking gulat ko.  Isipin niyo na lang ang sopresa ko noong sina­bing, isasama ako ng TFC sa event at dito pa sa Middle East.”

Samantala, magpapakitang gilas naman sa Dubai leg ang iba pang members ng cast at first-timers na sina Herrera, Princess of the Dance Floor na si Yassi Pressman kasama ang award-winning child actor na si Onyok.

First time rin ni Pressman sa isang TFC event sa Middle East kaya naman excited siya sa pagkakataong ito. 

Kukumpleto sa line-up ang pinakabata sa grupo na si Onyok na first time man sa Middle East ay nakapag-perform na para sa TFC event via ASAP Live in New York. 

Bisitahin ang emea.kapamilya.com para sa complete ticket outlets.

vuukle comment

MIDDLE EAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with