^

PSN Showbiz

Pia may nakaraan sa dyowa ni Sam Pinto!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May nakaraan pala sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Misagh Bahadoran, ang Filipino-Persian Azkals member na boyfriend na ngayon ni Sam Pinto. Pero hindi umabot sa relas­yon ang dalawa, hanggang date lang daw at hindi nag-level up dahil nag-focus na si Pia sa quest niyang maging Miss Universe.

Kaya walang dapat ipagselos si Sam kahit nagkita sina Pia at Mi­sagh na ipinost pa ng dalawa sa kani-kanyang Ins­tagram (IG) account. Ang sabi naman ni Pia, “very good friend” lang niya ang guy.

May mga kinilig sa picture nina Pia at Misagh, kaso lang, hanggang friends na lang sila dahil babalik na sa New York si Pia at siyempre may GF na si Misagh.

AiAi ikinuha ng condo at dalawang sekyu si Jiro

Nakita si AiAi delas Alas sa isang condominium sa may EDSA kamakailan lang, kasama nito ang boyfriend and later on, nakita rin si Jiro Manio. Ap­pa­rently, sa condo na ‘yun ikinuha ng unit ni AiAi si Jiro paglabas nito ng rehab.

May kasamang dalawang ma­ma si Jiro at tingin ng a­ming source, bodyguards ‘yun na kinuha ni AiAi para magbantay sa binata. Marami nga ang humanga kay AiAi dahil pina­nin­digan ang pagtulong kay Jiro. Sagot niya lahat pati ang tirahan nito at sana nga, tuluy-tuloy na ang pagtahak ni Jiro sa tamang landas.

Magkaka-pelikula rin si Jiro dahil isinama siya ni AiAi sa Mother’s Day movie niya sa Regal Entertainment.

Nakita rin pala ng aming source na muntik madapa si AiAi sa may lobby ng condo dahil uneven ang flooring. Hindi na lang daw nagreklamo si AiAi, pero bago ang near-fall niya, marami na ang naaksidente sa condo na ‘yun. Sana ayusin ng management ng condo bago magkaroon ng malaking aksidente at baka mademanda sila at magbayad ng danyos.

Maine hindi pa kayang umarte, Alden ipapareha muna sa iba?

Paulit-ulit ang tsikang si Patricia Tumulak, isa sa co-host ng Eat...Bulaga ang totoong nililigawan ni Alden Richards. Ang kukulit ng ibang AlDub fans dahil kahit ilang beses nang nilinaw ang tungkol dito, sige pa rin sila sa pagtatanong.

Isa si Ruby Rodriguez sa kinalampag na naman ng ilang AlDub fans at tila hindi nila nabasa ang unang paglilinaw nina Ruby at Allan K sa isyu. Hopefully, sa post ni Ruby sa IG na “NO IT IS NOT TRUE! Patricia is dating someone non-showbiz, ok!!! Pls. stop spreading BV rumors.”

Ang bagong ikinabahala ng ibang AlDub fans ay ang pagbisita ni Alden sa GMA Network at pagpapakuha ng picture kasama ang drama subcom. Pinost ni Atty. Annette Gozon sa IG ang picture at kasama sa caption ang “New drama soon?”

Baka raw bigyan ng bagong soap si Alden na hindi si Maine Mendoza ang makakapareha, ayaw nila na may ibang partner si Alden. Pero tama ang ibang AlDub fans, hindi pa kayang magdrama ni Maine at mas maganda kung rom-com ang gawin nilang project.

Ang tanong, kailan makakagawa ng TV show sina Alden at Maine na hindi masasaga­saan ang Kal­yeserye ng Eat...Bula­ga? Saka, wala pang kontrata sa GMA Net­work si Maine at patuloy pa yata ang pag-uusap nina Atty. Felipe Gozon at Mr. Tony Tuviera tungkol dito.

Pati nga launching movie ng AlDub, parang mauurong. Kailan kaya sila magsu-shooting? May shows pa kasi si Alden sa Dubai at Canada sa March at sa April naman ay lilipad ito pa-Amerika.

vuukle comment

ACIRC

AIAI

ALIGN

ANG

HINDI

JIRO

LEFT

MISS UNIVERSE

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with