^

PSN Showbiz

Duet nina Piolo at Morisette nakaka-LSS

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakaka-LSS ang theme song ng Star Cinema movie na Everything About Her na Something I Need ng One Republic, pero sa pelikula, kinanta nina Piolo Pascual at Morisette. Tiyak na nagsi-sing-a-long ang nakakapanood ng trailer at magsi-sing-a-long din ang moviegoers ‘pag napanood ang movie sa January 27.

Maganda ang pagkakakanta nina Piolo at Morisette sa theme song. May mga nanghinayang tuloy kung bakit hindi kasama ang aktor sa cast ng movie. Sina Batangas Gov. Vilma Santos at Angel Locsin ang bida ng pelikula kasama sina Xian Lim, Michael de Mesa at marami pang iba.

Tapos na tapos na ang shooting ni Bb. Joyce Bernal sa pelikula, ready na for showing.

Tito Sotto at Joey de Leon nag-compose ng kanta para kina Vic at Pauleen

Marami ang nag-like sa magandang picture nina Vic Sotto at Pauleen Luna ka-dinner ang mga anak ni Bossing na sina Danica Sotto-Pingris at asawang si Marc Pingris, Oyo Sotto and wife Kristine Hermosa, Paulina Sotto at Vico Sotto.

‘Katuwa pala ang bridal shower na ibi­nigay ng Eat...Bulaga kay Pauleen kahapon na puro taga-EB at close friends talaga ni Pauleen ang present. Ang ganda ng message ni Pia Guanio sa mga ikakasal at endearing ang eksenang nagyakap sila ni Pauleen. Ang sabi, dadalo si Pia sa kasal nina Vic at Pauleen.

Aliw si Vic sa Bachelor’s Party niya dahil ginawang comedy ang okasyon. Original song na kinanta at composition nina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon ang regalo ng dalawa sa ikakasal.

Donita tinawag na mommy ng anak ng ex na si Gary

Magaan ang pakikipagtrabaho ni Donita Rose kay Barbie Forteza sa That’s My Amboy.

May kaba si Donita working with Barbie na gaganap na kanyang anak sa rom-com series na magsisimula na bukas, after Little Nanay. Baka daw kasi maging another Rita de Guzman na naman ito na ‘di siya kinausap hanggang magtapos ang pinagsamahan nilang seryeng Let The Love Begin. Pero nagulat at nakahinga ng maluwag si Donita dahil sa storycon pa lang, lumapit sa kanya si Barbie at inihilig ang mukha sa balikat niya.

Doon pa lang, alam na ni Donita na mag-i-enjoy siya working with Barbie. Pati kasi ang buong cast ay masayang kasama, puro kalog and in between takes ay walang tigil ang kanilang tsikahan at tawanan. Blessed daw siya na magaan katrabaho ang lahat.

Dahil natanong, nakuwento ni Donita na up to the last minute, binabati at kinakausap niya si Rita kahit dinededma siya nito. Hindi na niya ito tinanong kung bakit hindi siya gusto ng aktres. Pero sabi ni Donita, payag pa rin siyang makatrabaho si Rita dahil hindi siya maggi-give up dito at baka may pinagdaanan lang daw that time.

Kasama sa That’s My Amboy si Kiko Estrada na anak ng ex-BF ni Donita na si Gary Estrada. Nang unang magkita ang dalawa, tinawag ni Kiko na “Mommy” si Donita na ikingulat nito. Kung nagkatuluyan sina Donita at Gary, anak sana nila si Kiko.

Josh Padilla gustong i-hire na GF si Jennylyn

Wala ang pangalan ni Josh Padilla sa press release ng cast ng Girlfriend For Hire ng Viva Films na showing sa February 10, pero kasama siya sa launching movie nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Present si Josh sa presscon at nabuking na crush nito si Jennylyn Mercado dahil nang tanungin kung sino’ng celebrities ang gusto niyang i-hire na GF, si Jennylyn ang binanggit sa local actress at si Emma Watson sa foreign actress.

Kung hindi kami nagkakamali, sa Girlfriend For Hire mas malaki ang role ni Josh and hopefully, mapansin na siya ng fans na kanyang dream.

Samantala, nasa presscon din ang director ng movie na si Vanessa de Leon. Dati pala siyang editor at gumagawa ng trailer ng Star Cine­ma movies at nabigyan ng chance ng Viva Films na magdirehe ng first movie niya.

Si Bb. Joyce Bernal ang nagsabi sa kanyang after ma­ging editor, magdirek na siya at sa guidance nina directors Joey Reyes at Andoy Ranay, heto na ang Girlfriend For Hire. Sobrang real daw ang katuwaan at chemistry nina Andre at Yassi at mapi-feel ito ng moviegoers at tiyak na kikiligin ang manonood.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARBIE

DONITA

GIRLFRIEND FOR HIRE

JOSH PADILLA

JOYCE BERNAL

MY AMBOY

NBSP

PAULEEN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with