^

PSN Showbiz

Juday matagal-tagal pang mamahinga!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matagal-tagal pang magpapahinga si Judy Ann Santos pagkapanganak dahil sa kanyang pagiging hands on mom kay Baby Luna at sa dalawa nitong nakatatandang kapatid at saka nito babalikan ang kanyang trabaho.

Kung matatandaan pa, nakatakda sanang simulan ni Juday ang bago niyang teleserye, ang Someone To Watch Over Me na pagtatambalan sana nila ni Richard Yap. Pero ngayong nakapagsilang na si Juday, malamang na ituloy ang nasabing tele­serye a couple of months from now.

Heart magpapabuntis na kay Sen. Chiz

Sandali naming nakausap ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista sa press launch ng collaboration nila ng fashion designer na si Mark Bumgarner na ginanap sa Dusit Hotel Ballroom kamakailan lamang. Ito’y may kinalaman sa isang upco­ming fashion show gala na gaganapin sa Dusit Thani Ballroom sa January 18, 2016.

Excited si Heart sa nasabing fashion event na first time niyang gagawin.

Nagsimula ang lahat nang magpagawa siya kay Mark Bumgarder ng damit na ga­ga­­mitin niya sa isang event. Habang tumatagal, hin­di lamang nagiging paboritong fa­shion designer ni Heart si Mark kundi unti-unti nilang nabuo ang pagsasanib-puwersa ng kanilang mga artistic designs – si Mark sa fashion design at si Heart naman sa kanyang talent sa pagpi­pinta.  Alam ng marami na si Heart ay mahusay sa pain­ting at nakagawa na rin ito ng kanyang sariling pain­ting exhibit.  Lately, pinag-uusapan ng high-end fa­shion ang kanyang pagpipinta sa mga mamaha­ling branded bags tulad ng Hermes at Louis Vuitton at ngayon sa mga evening gown at mga damit na naging posible dahil kay Mark.

Ipinakita sa press launch ang sample ng collaboration nina Mark at Heart at ang mga ito ay kasama sa fashion auction na ang proceeds ay mapupunta sa Corridor of Hope Foundation at Thalassemia International Association (formerly Balikatang Thalassemia Foundation).

Napaka-elegant ng mga gown na magkatulong na binuo nina Mark at Heart at halatang mga mamahalin at pang collector’s item.

Ang kauna-unahang Mark Bumgarner X Love Marie Ongpauco-Escudero Gala ay produced ng Fearless Productions, Inc. in cooperation with Mazda and Dusit Thani Hotel.

At the press launch, ibinahagi ni Heart na ready na umano sila ng kanyang mister na magkaroon ng baby sa susunod na taon. Sa ngayon ay parehong abala ang mag-asawa sa kanilang respective career, si Sen. Chiz sa kanyang pangangampanya sa kanyang kandidatura bilang vice-president ng bansa kung saan ay all-out na susuportahan ng kanyang misis. Si Heart naman ay may obligasyon bilang misis ni Sen. Chiz, pagiging step-mom ng twin children ng kanyang mister sa una nitong asawa, ang kanyang showbiz career at ang kanyang painting.

Natutuwa rin si Heart sa kanyang step children na sina Cecilia at Joaquin dahil bukod sa parehong mabait, napaka-sweet umano ng mga bata at aminado siya na very close siya sa kambal na excited na ring magkaroon ng baby brother o baby sister.

Mga gustong magbigay-pugay kay Kuya Germs, dagsa pa rin!

Dagsa pa rin ang mga taong patuloy na nagbibigay ng kanilang huling respeto sa yumaong showbiz icon na si Kuya Germs na magkakaroon ng huling lamay ngayong gabi (Martes) sa Mt. Carmel Shrine, New Manila, Quezon City. Bukas ay ili­li­pat ang kanyang mga labi sa studio ng Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA for an overnight vigil at kinabukasan, araw ng Huwebes, January 14 ay ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABY LUNA

BALIKATANG THALASSEMIA FOUNDATION

CHIZ

HEART

KANYANG

KUYA GERMS

MARK

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with