^

PSN Showbiz

Nilalang isasalang uli sa ibang mga sinehan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaking bagay at karangalan para sa mga tao sa likod ng produksiyon ng Nilalang ang manalo ng limang technical awards sa kakatapos na MMFF 2015 Awards Night na ginanap kamailan sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Ang action-suspense thriller na pinagbibidahan nina Cesar Montano at hot Japanese star na si Maria Ozawa ay napanalunan ang mga sumusunod: Best Cinematography para kay Pao Orendain, Best Editing para kay Jason Cahapay, Best Musical Score para sa beteranong si Jesse Lasaten, Best Sound para sa award-winning nang si Ditoy Aguila at Best Special Visual Effects, represented by Dondi Chuidian.

Sa limang winners, sina Cahapay at Aguila lamang ang nakarating sa awards night upang tanggapin ang kanilang mga tropeo.

Kasalukuyang nasa USA ang direktor ng Nilalang na si Pedring Lopez upang doon mag-Holidays, ngunit may pahayag (online) si direk Pedring.

“Malaking inspirasyon sa aming mga bago pa lang sa industriya ang recognitions na ito.  Lalo na kapag matindi ninyong pinaghirapan ang paggawa ng movie,” sabi ni Direk Pedring.

Samantala, simula noong January 1, dahil na rin sa clamor ng netizens, nagdagdag ng mga sinehan ang Nilalang, at ito ay ang mga sumusunod:

Glorietta 4, SM North Edsa,  SM Megamall, SM Marikina, SM Manila, SM Fairview, SM South Mall, SM Sta Mesa, Robinsons Galeria, Gateway, SM Iloilo, SM Lanang, SM Cebu, SM Bacoor, Robinsons Pampanga, Robinsons Metro East, Festival Mall, at Market Market.

Simula naman January 4, 2105 papasok ang additional cinemas na ito:  SM Mall of Asia, Trinoma, at Robinsons Ermita.

Sa kabila ng “gulo” at kontrobersiya sa likod ng MMFF ngayong taon ay nagpapasalamat ang WeLovePost, Haunted Tower Productions, Parallax Studios, at Viva Films – mga produksiyon sa likod ng maaksiyong pelikula – sa blessing ng hindi lamang isa o dalawang technical awards, kundi lima!(MN)

vuukle comment

ANG

ARANETA CENTER

AWARDS NIGHT

BEST CINEMATOGRAPHY

BEST EDITING

BEST MUSICAL SCORE

BEST SOUND

BEST SPECIAL VISUAL EFFECTS

CESAR MONTANO

DIREK PEDRING

NILALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with