^

PSN Showbiz

Xian hindi nagsasawa kay Kim!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Palabas pa rin sa mga sinehan ngayon ang pelikulang All You Need Is Pag-Ibig kung saan kabilang ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim. Sa pagpasok ng 2016 ay mapapanood naman sina Kim at Xian sa teleseryeng The Story of Us.

Aminado ang aktor na nakararamdam pa rin siya ng kilig sa tuwing nakakasama si Kim. “Oo naman siyempre,” natatawang bungad ni Xian.

“Sabi ko nga kay Kim no’ng ginagawa namin ‘yung The Story Of Us, tinanong niya ako, ‘From the first time na nakaeksena ba kami up to now, pareho pa rin ba ‘yung pagtingin ko sa kanya? Meron pa rin bang nagsa-spark?’ Kung pareho pa rin ba ‘yung nararamdaman o meron pa ba or ano? Parang nadaanan lang ng usapan namin. Parang napagkwentuhan lang, curious lang. Tapos sabi ko, ‘Siyempre! Every time na nakikita kita mas dumadagdag nang dumadagdag ‘yung nararamdaman ko sa ‘yo.’ Totoo, never siya nagiging stagnant. From when we worked with each other no’ng Binondo Girl pa lang tapos to the time na hindi na kami magka-partner. Tapos ngayon na nabalik na kaming magka-partner,” pagbabahagi ng aktor.

Ngayong magtatapos na ang 2015 ay may payo si Xian para sa mga kababayang nalulungkot sa pagsalubong ng Bagong Taon. “Hindi naman nila kailangan maging malungkot. Lahat naman siguro tayo meron tayong pinagdaraanan. Everyday may mga magagandang nangyayari and you tend to neglect it. Totoo ‘yan, all you need is pag-ibig kasi what drives you everyday? ‘Di ba love for your family, love for your girlfriend or your wife or my mom or my lola. It’s pag-ibig talaga eh, the driving force,” paliwanag ng binata.

Kris mas naa-appreciate ang gf ni James

Kasalukuyang nagbabakasyon si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. Bago umalis ay nakapaglabas pa ng saloobin si Kris sa programang Kris TV tungkol sa relasyon ni James Yap kay Bimby.

Pinabulaanan ng Queen of All Media ang isyung hindi niya diumano binibigyan ng pagkakataon na magkasama ang mag-ama. “He doesn’t have to ask for time. Pumunta ka lang sa school. There’s no rule that says na huwag kang magsundo, never. Walang humaharang sa ‘yo, sa dadaanan mo, mag-drive thru kayo. Ito lang ha, kung ‘yung yaya nga ni Bimby na bagong kasal, na-cutshort ang honeymoon dahil alam na gano’n ka-heartbroken si Bimby, na buong mundo alam kung gaano ang iniyak ni Bimby, lahat ng Filipinos naki-cry sa amin. He never even called to check on the kid,” pagbabahagi ni Kris.

“Minsan, naiirita talaga ako na palalabasin nila na ako ang may problema. Hindi po ako ‘yon. Kasi parang ginagampanan ko lahat at hindi ko hinaharangan. Ang problema lang siguro is hindi ko naman kayang pilitin,” giit pa niya.

Mas mainam pa raw ang kasintahan ni James sa pagpapakita ng kagandahang loob kay Bimby. “I’ve liked her from the start because number one, she made the effort na magluto ng carbonarang gusto (ni Bimby). Second, nag-research siya ng masarap na pizza. Third, every time na nagkikita sila, meron siyang mga dala not just for Bimby but also for Kuya Josh. Hello! Mas bongga pa nga siya sa totoo lang,” nakangiting kwento ni Kris.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BIMBY

BINONDO GIRL

JAMES YAP

KIM CHIU

KRIS AQUINO

KUYA JOSH

LANG

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with