^

PSN Showbiz

Love is lovelier the second time around - Jennylyn to Dennis

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi man direktang tinukoy ni Jennylyn Mercado o binanggit man lamang ang pangalan ni Dennis Trillo pero, lahat ng nakapanood sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa programa nitong Tonight with Boy Abunda na ang ex niyang Kapuso aktor na si Dennis Trillo ang nagpapasaya sa kanyang puso at saktong duma­ting ito ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Mas nabuo pa ang hinala ng lahat sa kanila ni Dennis nang aminin niyang love is lovelier the second time around.

May entry si Jenny­lyn sa MMFF 2015, ang Walang Forever na nasa direksyon ni Dan Ville­­gas, ang nagdirek last year ng English Only Please, isang blockbuster at nagbigay sa kanya ng Best Actress trophy.

Ayaw niyang pa-pressure sa tinanggap na award pero, ibinigay niya sa movie niya with Jericho Rosales ang pinakamagaling niyang performance.

Piolo sa Japan magpa-Pasko

Sa bansang Hapon magpa-Pasko si Piolo Pascual pero, hindi siya nag-iisa, kasama niya ang buo niyang pamilya.

Pamasko niya ito sa kanila at nun pa naipangako sa kanila. In the past, madalas ay sa US sila nagpapaskong magkakasama.

US based na kasi ang kanyang ina at mga kapatid.

Kung magagawa ng anak niyang si Iñigo na makapag-leave sa taping nito ng And I Love You So, join din ito  sa pamilya.

Miss Colombia at mga kababayan, dapat magreklamo

I’m sure devastated si Miss Colombia dahil, nakoronahan na siya nang aminin ng host ng Miss Universe ang kanyang pagkakamali sa pag-aanunsyo na ito ang nanalo sa halip na si Pia Wurtzbach. Malaking kahihiyan ang inabot ni Miss Colombia at hindi man siya ang magreklamo, dapat ang bansang pinanggali­ngan niya ang gumawa nito.

Dedmahan na lamang ba ang dapat kahinatnan  ng mga pangyayari? Dapat bigyan sila ni Miss U damages ng mga organizers.

Daniel at Erich, mukhang papatok

Mukhang may dating na kilig ang Be My La­dy nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Ito ay sa kabila na hindi na bago ang kanilang relasyon at nakikita silang magkasama ng madalas sa mga programa ng ABS-CBN.

Nakakatuwa ‘yung first mee­ting nila na siyang ginagamit na eksena sa trailer ng teleserye nila.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BE MY LA

BEST ACTRESS

BOY ABUNDA

DAN VILLE

DANIEL MATSUNAGA

DENNIS TRILLO

ENGLISH ONLY PLEASE

MISS COLOMBIA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with