^

PSN Showbiz

Daniel naging madali ang trabaho dahil kay Erich

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maagang Pamasko sa DanRich fans ang gina­wang exclusive pilot week screening ng upcoming serye nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na “Be My Lady” kamakailan.

Todo ang sigawan sa tuwing may kilig na eksena ang dalawa. Puno rin ng tawanan ang venue sa kwelang hatid ng iba pang karakter.

Matapos ang scree­ning, game na game din na nagpa-picture ang dalawa sa iba’t ibang fans group nila na galing pa sa iba’t ibang lugar tulad ng Cebu at Bacolod.

Gagampanan nina Daniel at Erich ang love story nina Phil at Pinang, dalawang pusong may magkaibang lahi na mahahanap ang pag-ibig na inaasam sa isa’t isa.

Ito ang unang pagkakataong magkakatrabaho ang dalawa bilang official na magkasintahan matapos magkakilanlan sa Two Wives.

“Sobrang masaya. It’s even easier kasi kasama ko girlfriend ko. At least we get to spend time with each other and we enjoy our days taping kahit sobrang init sa location,” sabi ni Daniel.

“Mas nakikilala rin namin ang isa’t isa,” dagdag naman ni Erich.

Mapapanood ang Be My Lady simula Enero 2016 sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BACOLOD

BE MY LADY

CEBU

DANIEL MATSUNAGA

ENERO

ERICH

ERICH GONZALES

MAAGANG PAMASKO

TWO WIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with