^

PSN Showbiz

Janine tanggap ang pakikipag-holding hands sa ibang babae ni Elmo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Walang dapat ikabahala ang fans nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez dahil solid pa rin ang relasyon nila kahit magkaiba na sila ng network. Madalas pa rin silang nagkikita at nang ma-confine nga sa ospital si Lotlot de Leon, magkasabay ang dalawa na nagpunta.

Nagsusuportahan silang da­lawa sa kani-kanyang career at kung happy si Elmo sa success ng morning series niya sa GMA 7 na Dangwa at sa sunud-sunod na showing ng three films na ginawa niya.

Hindi lang nasagot ni Janine kung sasamahan siya ni Elmo sa special screening ng Buy Now, Die Later na Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films na isa siya sa mga bida. Hindi maa-out of place si Elmo dahil pawang ABS-CBN stars ang kasama ni Janine sa pelikula gaya nina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, at John Lapus.

Samantala, sabi ni Janine, maiintindihan niya kung sa promo nina Elmo at Janella Salvador ng Born For You, maghu-holding hands sila o kaya’y magpapaka-sweet dahil part ‘yun ng kanilang trabaho.

As for Janine, two years pa ang kontrata niya sa GMA 7 at GMA Artist Center. Wala siyang planong lumipat ng network kahit may mga nambubuyo na sumunod siya kay Elmo sa ABS-CBN.

Anyway, pati ang kapwa Kapuso stars ay natuwa para kay Janine dahil ‘yung Preview ma­gazine na cover siya ay may nakarating na copy sa international designer na si Michael Kors. May picture si Kors at sa harap nito, may copy ng magasin na cover si Janine.

Ang kuwento ni Janine, nang pumunta si Kors sa Singapore for a fashion event, naimbita rin ang mga taga-Preview.

Sid at Alex panget ang naging hiwalayan, bagong GF ng actor kamag-anak ni Robin

Dahil kasama ang current GF na si Annicka Dolonius sa special screening ng Toto, hindi maiwasang matanong si Sid Lucero sa ex-GF niyang si Alessandra de Rossi at sa na-link sa kanyang si Mara Lopez.

Mukhang bad break-up ang nangyari kina Sid at Alex dahil after noon, hindi na sila nagkita at nagkausap pa. Nalulungkot si Sid at nanghinayang na kasabay ng break-up nila ay hindi na rin sila friends.

“It’s sad because all of my life in showbiz she’s been my friend,” sabi ni Sid na paniniwalaan mong nalulungkot dahil nag-iba ang tono ng boses.

As for Mara, hindi niya ito naging GF, close friends lang sila at ito ang love interest niya sa Toto, kaya hindi pagseselosan ni Annicka ang love scene nila sa movie. Mapapanood n’yo ang love scene ng dalawa dahil showing ang movie mula December 17-24 sa ilang selected theaters at kasama sa New Wave category sa MMFF. Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang alam pala namin, relative ni Robin Padilla si Annicka, kaya kung magkakatuluyan sila ni Sid, merging ng two big showbiz families ang mangyayari.

Gelli wala pang offer sa Kapamilya

Tapos na ang kontrata ni Gelli de Belen sa TV5, pero napapanood pa rin siya sa Happy Truck ng Bayan kasama sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs. Freelancer na si Gelli na nabalitang babalik sa ABS-CBN, pero sabi nito, wala pang kasiguraduhan at nag-uusap pa yata ang Backroom at ang network.

Ayaw nitong pangunahan ang mangyayari, kaya ayaw munang magsalita. Pati ang sinasa­bing pagsasamahin sila nina Janice de Belen at Carmina Villarroel sa isang talk show, hindi pa si­gurado. Wala pa raw nakakarating na offer sa kanya.

Kapatid ni Coco nominadong best actor sa London

Patuloy na kinikilala ang Filipino films sa international film festival. Sa International Filmmaker Festival of the World Cinema in London, slated on February 18 to 26, may five nominations ang movie ni Carlo Enciso Catu na Ari (My Life with The King.)

Kabilang sa nomination ang Best Actor in a Foreign Language Film na nakuha ni Ronwaldo Martin na kapatid ni Coco Martin.

Sa parehong film festival, nakakuha ng four nominations ang Laut kabilang ang Best Director for a Foreign Language Film ni Louie Ignacio. Si Barbie Forteza ang bida sa nasabing indie film.

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ANG

DAHIL

ELMO

FOREIGN LANGUAGE FILM

GELLI

HINDI

JANINE

NBSP

SID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with