^

PSN Showbiz

Coco gusto nang seryosohin si Julia

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami na naman ang siguradong mati-turn off sa claim ni Vice Ganda na malapit sila ni Lord sa isa’t isa at kakasihan na naman siya nito sa pagpapalabas ng Beauty and the Bestie sa Pasko, dahil, unang-una ay magkasama sila for the first time ng true to life bestie niyang si Coco Martin na kahit madalas siyang hiyain dahil sa mga choices niya sa lalaki, never niyang minasama ang mga sinasabi at pagpapaalala nito sa kanya.

Siya rin naman ay open sa kanyang mga papuri at criticism sa kaibigan  pero, tikom ang kanyang bibig sa current na karelasyon nito. Pero, magaling manghula ng press lalo’t sinabi ni Coco na magseseryoso na siya sa lovelife niya sa 2016. Hula nila ay si Julia Montes na ‘yun. Tama ba, Coco?

Malaking factor din na ang Beauty and the Bestie ay sinusuportahan ng JaDine (James Reid and Nadine Lustre) na bagaman at talagang magkaibigan lamang ay pinakikilig ang lahat maski yung mga kasama nila sa movie.

GMA umaasa na mas lalaki ang kita sa eleksiyon

Klinaro ng GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon sa paparty ng network niya sa press para sa Pasko na hindi na matutuloy ang balak na pagbili sa GMA nina Cong. Manny Pacquiao at  dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson. Tahasan na niyang tinanggihan ang alok ng dalawa na ipinalalagay ng lahat ay dahilan sa sinabi niyang magandang takbo ng kanyang kumpanya ngayon financially.

Matataas daw ang rating ng mga GMA shows partikular na ang Eat Bulaga dahil sa pagkaka­tuklas sa pheno­menal tan­dem nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza.

Umaasa pa rin sila sa pagtaas ng kita ng network dahilan sa pagpasok ng mga political ads dahil sa eleksyon.

My Bebe Love, nakarami na agad ng mga sinehan

Swerte naman talaga ng Vic Sotto-AiAi delas Alas and AlDub movie na My Bebe Love dahil this early, nakakuha na sila ng 200 sinehan na mapaglalabasan ng kanilang movie na pinagsososyohan ng limang produ­cers.

Ang iba na kakaunti ang sinehan ay aasa na lamang sa mga sinehan na mababakante agad ng mga hindi kikitang pelikula.

Sa ikalawang araw pa bago malaman kung anong movie ang talagang maganda at magugustuhan ng manonood.

Gerphil, mas pinili ang diploma kesa sa kasikatan

Marahil kung hindi lamang abala sa kanyang pag-aaral sa UP ang isa sa mga Pinoy na umagaw ng pansin ng mundo sa pinaka-latest edition  ng Asia’s Got Talent na si Gerphil Flores, baka mas malayo pa ang kanyang narating sa pagkanta.

Pero dahil nga gusto niyang makatapos muna ng kanyang kurso sa music at mag-magna cum laude din kung kaya masaya na siya na mapabilang sa grupo ni David Forster, isa sa mga hurado sa AGT at nangakong ipakikilala siya sa mundo na inaasahan niyang magsisimula sa pagkakabilang niya sa David Forster and Friends na lumilibot sa Asya ngayon.

May tinatapos din na CD si Gerphil na nakatakdang i-release sa 2016. Hindi lang mga kantang klasiko ang itatampok sa album kundi mga iba pang genre na ngayon lang malalaman ng lahat ay kaya din pala niyang gawin.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

CHAVIT SINGSON

COCO MARTIN

DAVID FORSTER

DAVID FORSTER AND FRIENDS

EAT BULAGA

MGA

MY BEBE LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with