^

PSN Showbiz

Alden kailangan ng pahinga!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang mga taga-showbiz ang ilan sa nadismaya sa disqualification na desisyon ng COMELEC second division kay Sen. Grace Poe.

Nang pumutok ang naturang balita, karamihan sa movie press ay nasa Victorino’s Restaurant kung saan nila nakausap ang Vice Presidentiable na si Sen. Bongbong Marcos. Sabi naman ni Sen. Bongbong, huwag lang daw mawalan ng pag-asa dahil maaapela naman daw ito ni Sen. Poe.

Inaasahang mabibigyan naman ng patas na laban si Sen. Poe.

PAK: Hindi na kinaya ng powers ni Alden Richards ang pagod sa rami ng kanyang trabaho. Hindi na ito nakadalo sa Walk of Fame ni Kuya Germs kamakalawa ng gabi, at bumigay ang katawan.

Si Maine Mendoza lang kasama ang tatlong lolang sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros ang nakadalo sa naturang event.

Dapat ay absent na talaga si Alden nung araw na iyun sa Eat Bulaga dahil nawawalan na ito ng boses at inuubo na. Pero pinilit niyang dumalo dahil kailangang hindi masira ang takbo ng kuwento sa Kalyeserye.

Pero tinitingnan pa rin daw ng doktor kung kinakailangan talagang magpahinga ni Alden para hindi na lumala ang kanyang sakit.

Maaring nahawa si Alden sa PA (Personal Assistant) nito na na-confine sa hospital dahil bumigay na rin ang katawan sa sunud-sunod nilang trabaho.

BOOM: Boto na rin si Jaclyn Jose sa non-showbiz guy na nali-link ngayon sa kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Sabi kasi ni Andi, baka this time ay okay daw ang pakikipagrelasyon niya sa non-showbiz guy dahil tingin niya ay tanggap siya ng pamilya ng lalaki, at maaring tanggap din ito ng kanyang Mommy.

Hindi pa naman daw naipakikilala ni Andi kay Jaclyn ang lalaki pero naririnig na nga niya ang tungkol dito.

Tingin ni Jaclyn, baka mas okay kung sa non-showbiz guy ma-link ang anak niya dahil mas less daw ang intriga.

“Basta ang wish ko lang sa kanya makakita siya talaga ‘yung magtatagal na mahalin siya, mahalin sila (ni Ellie) at walang away,” pakli ng magaling na aktres sa Christmas party for the press ng PPL Entertainment.

Makakasama raw ni Jaclyn sina Andi at ang apo niyang si Ellie sa Pasko dahil inimbitahan siyag doon na mag-Christmas eve sa bagong biling condo unit.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

BONGBONG MARCOS

DAHIL

EAT BULAGA

ELLIE

GRACE POE

JACLYN

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with