^

PSN Showbiz

Marian ngayon lang nakapahinga ng matagal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang sabi ng mga nakakita sa picture ni Baby Letizia Dantes, kamukha siya ng kanyang nanay na si Marian Rivera pero iba ang paniniwala nito, parehong kahawig nila ni Dingdong Dantes ang bagets.

Sa phone patch interview kahapon kay Marian sa Sunday PinaSaya, sinabi niya na kamukha nila ni Dingdong si Baby Letizia.

Halata sa boses ni Marian na enjoy na enjoy ito sa bagong chapter ng kanyang buhay kaya hindi pa niya masabi kung kailan siya babalik sa Sunday PinaSaya.

Hayaan muna natin na i-enjoy ni Marian ang motherhood ‘no! Ngayon lang siya magkakaroon ng mahaba-habang bakasyon mula sa showbiz mula nang pumatok noong 2007 ang MariMar. Saka may valid reason ang kanyang pagpapahinga, aalagaan niya ang panganay nila ni Dingdong.

Madali kay Marian ang bumalik dahil nandiyan lang ang Sunday PinaSaya. Hindi siya mahihirapan na magpapayat dahil hindi naman lumobo nang husto ang katawan niya nang magbuntis.

Tips ni Heart na pampaganda mabentang-mabenta

Feeling happy si Heart Evangelista dahil nalaman niya na number one sa digital sales ang This is Me, Love Marie, ang kanyang beauty book na hindi pa natatagalan mula nang i-launch sa isang bookstore sa Makati City noong November 8.

Tuwang-tuwa ang misis ni Senator Chiz Escudero sa unexpected success ng This is Me, Love Marie.

Dalawang linggo nang numero uno ang beauty book ni Heart sa Buqo app’s digital charts.

Sa sobrang kaligayahan, hinihimok ni Heart ang lahat na tangkilikin ang kanyang libro.         

Proud na proud si Papa Chiz sa tagumpay ng beauty book ng kanyang dyowa na kauna-unahang beauty guide ng isang Filipina actress.

Boses hindi pa rin nagbabago Donna babalik sa pagkanta

Ikinatuwa ko ang balita na magiging active uli sa pagkanta si Donna Cruz na hindi nagdalawang-isip na talikuran ang showbiz at manirahan sa Cebu City nang pakasalan niya noong 1998 ang mister na si Yong Larrazabal.

Bago nagkaroon ng Sarah Geronimo, si Donna ang favorite singer/actress ko. Siya ang number one young actress noong dekada ’90 at nadagdagan ang respeto ko sa kanya nang piliin niya na mag-goodbye sa showbiz para maging housewife and mother.

Seventeen years na pala ang nakalilipas mula nang lumagay sa tahimik si Donna pero hindi pa rin nagbabago ang kalibre ng boses niya at mas maganda siya ngayon ‘ha?

Regine solid Kapuso pa rin

Hindi totoo ang kumakalat na tsismis na lilipat sa ibang television network si Regine Velasquez.

Ang totoo, pipirma uli si Regine ng exclusive contract sa Kapuso Network kaya mapapanood pa rin siya sa mga programa ng GMA 7 hanggang sa 2017.

Hindi na bago ang mga tsismis na mag-oober da bakod si Regine sa ibang TV station dahil nananatili siya na Kapuso. Baka naging fertile na naman ang imagination ng mga mapaghinala dahil wala si Regine sa unang airing ng Christmas Station ID ng GMA 7.

 

vuukle comment

ANG

BABY LETIZIA

BABY LETIZIA DANTES

CEBU CITY

HINDI

LOVE MARIE

NANG

NBSP

NIYA

PINAYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with