^

PSN Showbiz

Kathryn hindi pinalampas ng INC!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kahit may naisulat na akong may basbas ng Iglesia ni Cristo ang pag-iendorso ni Kathryn Bernardo kay presidentiable Mar Roxas, isang mapagkakatiwalaang source na myembro rin ng INC ang nagsabi na itiniwalag na ang kalaha­ting bahagi ng KathNiel ng relihiyong kanyang kinaaaniban dahil sa ginawa nitong pag-iendorso ng pulitiko na bawal na bawal nilang gawin sa INC.

Marami ring mga karelihiyon niya ang may alok ng katulad ng sa kanya pero, never nila itong pinaboran sa kabila ng napaka-laking pera na matatanggap nila.

Balita na P20-M ang natanggap na TF ni Kathryn mula sa Liberal Party.

Hindi man ito kasing laki ng ibinigay nila sa kanyang kapareha, malaki na rin itong maituturing at hindi masyadong mahirap ang trabaho, ‘yun nga lang na­­­ging dahilan ito para pagpasyahan ng INC na may batas nila siyang nilabag kaya binigyan siya ng kaparusahang naaayon sa kanyang kasalanan. Tsk. Tsk. Tsk.

Barbie gusto ring makipila sa Bea-John Lloyd movie

Inamin ni Barbie Forteza na isa siyang mala­king fan ni John Lloyd Cruz. Tuwing may movie ito ay nakikipag-unahan sila ng kanyang mommy at tita sa pagpila sa mga sinehan para makauna na mapanood ang pelikula at mauna silang makapagkuwento tungkol sa movie sa halip na sila ang kuwentuhan. Napag-usapan ang A Se­cond Chance ng Kapamilya actor na pinagtatambalan nilang muli ni Bea Alonzo na balitang siksikan ang lahat ng sinehan na pinaglalabasan nito.

Nasira ang plano niyang makipagpilahan sa movie dahil sa rami ng kanyang ginagawa pero, once na makakita siya ng kahit konting puwang, panonoorin nila ito ng mommy at tita niya. Ganun niya ka-idolo si JLC pero hindi niya ito crush huh!

Sa direktor ng The Half Sisters na si Gina Alajar ko narinig na mayro’n pala siyang crush  kay Andre Paras na kanyang kapareha sa  panghapong serye ng GMA.

Naniniwala ang magaling na direktor na hanggang sa harap ng kamera lamang ang pinalulutang ng Viva ang romansa sa pagitan nina Andre at ng kanyang movie partner na si Yassi Pressman. At naniniwala ako sa kanya dahil mahigit nang isang taon silang magkakasama sa THS.

Naurong ng isa pang linggo ang pagtatapos ng THS. From January 8, na­usog ang finale nito sa January 15.

Bukod sa pagdating ng character ni Gardo Versoza, babalik din ang character ni Ryan Eigenmann at magugulat ang manonood sa malaking transformation niya sa THS.

Ruru hindi pa maharap ligawan si Gabbi

Sayang at talagang wala pa sa isip ni Ruru Madrid na totohanin ang romansa nila sa screen ni Gabbi Garcia. Malapit na sila dun pero, both are bent on making good sa kanilang mga karera kaya wait wait muna sila.

Sa ngayon, hindi ito mahirap gawin dahil wala silang work na magkasama pero, after The Half Sisters ay balik sila sa paggawa ng serye kaya sino ang makapagsasabi, baka mahirapan na silang  gawing officially work lang ang kanilang pagsasama. “Hindi mahirap mahalin si Gabbi,” pag-amin ng 17 taon gulang na akor na nakaungos na ng malaki sa kanyang mga kasabayan.

“Siguro dahil mas focused lang ako sa trabaho kaya wala pa akong ibang iniisip,” pagtatanggol niya.

May ipinalalabas ngayon na indie film, ang Above the Clouds na ginawa niya nung 15 taong gulang lamang siya, batang-bata pa. Gusto niyang habulin ito sa sinehan para lang makita kung ga­ano kalaki na ang iniunlad ng kanyang pag-arte. Kasama niya sa nasabing pelikula si Pepe Smith

Sa ngayon ay inutusan siya ng manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes na magpalaki ng katawan. Gusto nito na maggraduate na siya sa pa-tweetums na mga roles at magsimula nang gumawa ng mature roles.

Anak ni Vic sa pagtulong ginagastos ang mga kinikita

Lahat pala ng mga anak ni Bossing Vic Sotto ay may role sa kasal nila ni Pauleen Luna.

Gagawin ito nina Danica, Oyo, Paulina at Vico bilang suporta sa kanilang ama na mabuti sa kanila sa lahat ng bagay, mula sa puntong pinansyal hanggang sa paglalapit sa kanilang magkakapatid. Patas din ang pagtrato sa kanila ng kanilang ama. Kapag binigyan sila ng balato sa mga proyekto nito ay pare-pareho, walang lamangan.

Sa isang pakikipag-usap kay Coney Reyes ay sinabi nito kung gaano kabuti at ka-generous na ama si Vic sa kanyang mga anak.

Kaya naman wala siyang problema kung ubusin man ng anak niya ang kita nito sa pagtulong sa mga mahihirap na nangangaila­ngan  ng serbisyong legal.

vuukle comment

A SE

ABOVE THE CLOUDS

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

HALF SISTERS

ITO

KANYANG

MGA

NIYA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with