^

PSN Showbiz

Shaina mag-i-invest sa eskwelahan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw mag-aral ni Shaina Magdayao. Mahilig sa bata ang aktres kaya gusto raw niyang kumuha ng kursong Psychology. “Investment-wise ‘di ba parang pinakamagandang investment kasi education. Actually, nai-inspire nga ako kasi matagal ko nang gustong mag-take up ng Psychology. So siguro kapag medyo nakaluwag-luwag na sa schedule, I’ll be able to take it, ‘di ba? Not only for the business pero para rin siguro sa sarili ko,” giit ni Shaina.

Samantala, nangangarap daw ang aktres na magkaroon ng apat na anak balang araw. “I’m turning 26 (years old) pa lang next month (November 6). So siguro pag-iisipan ko ‘yan by January next year,” nakangiting pahayag ni Shaina.

Magkakaroon ng pangalawang season ang romantic-comedy show na Single/Single sa Cinema One na pinagbibidahan ng dalaga at ni Matteo Guidicelli.

Magbi-birthday leave raw muna ang aktres at sa pagpasok na ng bagong taon muling magtatrabaho.  

Bagong One More Chance nina John Lloyd at Bea, maraming pinagdaanan

Patapos na ang shooting ng pelikulang A Second Chance na reunion project nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Ito ang sequel ng pelikulang One More Chance kung saan sumikat ang mga karakter nina Basha at Popoy noong 2007.

Ayon kay Cathy Garcia-Molina na direktor pareho ng bago at naunang pelikula ay istorya na ng mag-asawa ang kanilang ginawa ngayon. “It’s extremely hard making the sequel of a well-loved movie. Kasi itong pelikulang ito, hindi ko talaga in-expect na lalaki, na mamahalin ng lahat. ‘Yung tipong lalapit sa ‘yo tapos sasabihin, ‘Direk nagkabalikan kami dahil sa One More Chance.’ It’s an overwhelming success for a story that was intended na simpleng magpalabas lang ng pelikula about break-up,” nakangiting pahayag ni Direk Cathy.

Naging malaking hamon daw sa buong grupo na kasama sa bumubuo ng pelikula kung paano mapapantayan ang One More Chance na pumatok noon sa takilya. “Grabe! Ang hirap-hirap isipin kung paano mo at least mapapantayan ‘yung nauna. Ang mapantayan ko, sobrang saya na namin doon,” pagtatapat ni Direk Cathy.

Bukod sa pagkakaroon ng nakakikilig na istorya ay marami rin daw matututunan ang mga manonood sa A Second Chance. “’Yung walong taon na humiwalay kami sa kwento ng One More Chance, kanya-kanya kami. Marami kaming pinagdaanan. It’s just right na ‘yung panonoorin n’yo rin ang sequel, parang marami ring pinagdaanan. It was difficult thinking about what’s next. Difficult doing it, difficult sa lahat ng bagay,” makahulugang pahayag ng direktor.

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

ALIGN

ANG

BAGONG ONE MORE CHANCE

BEA ALONZO

CATHY GARCIA-MOLINA

DIREK CATHY

ONE MORE CHANCE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with