^

PSN Showbiz

Dahil sa dyslexia, Albie biktima rin ng pambu-bully

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Patok na patok talaga ang teleseryeng On The Wings of Love sa mga manonood. Bukod sa mga karakter nina Nadine Lustre at James Reid ay pinagkakaguluhan na rin ang karakter ni Albie Casiño bilang si Jigs.

Naging tatak na rin ni Albie ang titulong Pambansang Bully dahil sa kanyang mga ginagawa sa nasabing serye.

Maging ang ina ni Albie ay nagagalit na raw dahil sa kanyang role sa OTWOL. “Wala naman pong nang-aaway sa akin pero ‘yung mommy ko po nagagalit minsan. Tine-text ko na lang siya, ‘Ma, don’t watch tonight ha,” natatawang pahayag ni Albie.
 Ayon sa binata ay malayung-malayo raw ang kanyang totoong ugali sa pag-uugali ni Jigs. “Natutuwa naman po ako kasi ibig sabihin lang po noon, effective ‘yung acting ko. Hindi ako katulad niya in real life. Tahimik lang po ako and reserved,” giit ni Albie.

Aminado rin ang aktor na nakaranas din siya ng pangbu-bully sa school noon. “Opo, growing up sa school. Kasi hirap po ako mag-Tagalog before and may dyslexia ako so nahihirapan ako mag-spell. Noong grade school, parating may spelling sa board so parati akong nagkakamali,” pagbabahagi pa niya.

Pa-hopia lang... Ahron ‘Nanay’ lang ang tingin kay Kakai

Kamakailan ay pumutok ang balitang may espesyal na diumanong namamagitan kina Kakai Bautista at Ahron Villena.

Nagsimula ito nang mapansing madalas nag pagpo-post sa Instagram ni Kakai ng kanyang mga larawan na kasama ang aktor.

Makulay din ang mga naging pahayag ng komedyana tungkol sa isyu. Agad namang nilinaw ni Ahron ang isyung nag-uugnay sa kanila ng aktres. Na­ging malapit daw ang dalawa nang magkasama sa isang show sa Japan noon.

“Kasi one time sa immigration, napagkamalan siyang nanay ko, natawa lang kami. Paglabas namin sa immigration, doon na nag-start. Doon kami naging close hanggang sa pagdating sa Manila,” kwento ni Ahron.

Mula noon ay ‘Mother’ na raw ang tawag ng binata kay Kakai at ‘Son’ naman ang tawag ng aktres kay Ahron. Marami ang nakapapansin na naging malapit na sila sa isa’t isa kaya nagsimula na ang bulung-bulungan tungkol sa kanila. “’Yung ibang tao napapansin na, ‘Uy! Baka may something silang dalawa.’ Tapos si Cacai, hindi na son ang tawag, iniba na niya. Ako naman, if  it’s happiness, okay lang,” dagdag ng aktor.

Sa ngayon ay talagang malapit na magkaibigan lamang daw ang turingan ng dalawa at walang espesyal na namamagitan sa kanila. “Ako, sabi ko talagang friendship lang kung ano’ng meron kami. Close lang talaga kami. Nag-usap kami, nagte-text kamo, totoo ‘yun. Pero aside from that, wala naman,” giit ng aktor.

vuukle comment

ACIRC

AHRON

AHRON VILLENA

AKO

ALBIE

ALBIE CASI

ANG

JAMES REID

KAKAI

KAKAI BAUTISTA

LANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with