^

PSN Showbiz

Arci kabado nang mag-bikini para sa alak

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Join na si Arci Muñoz sa talaan ng magagandang artistang babae tulad nina Marian Rivera, Ellen Adarna, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Solenn Heussaff at Georgina Wilson.

Siya ang bagong Calendar Girl ng isang popular na inuming panlalaki at kahit medyo kabado siya dahil first time niyang magsusuot ng bikini, nangingi­babaw ang excitement niya dahil matagal na siyang hindi nakakapag-endorso ng isang produkto.

Nakilala si Arci ng husto sa pamamagitan ng sexy serye ng ABS-CBN na Pasion de Amor na kung saan ay hindi siya nagpahuli sa pagpapaseksi sa mga kasamahan niyang sina Ellen Adarna at Coleen Garcia. Bukod sa pagiging artista soloista rin ng banda niyang Philia si Arci.

Willie nakapagpiyansa na pala

Sa rami nang naniniwalang hindi inabuso ni Willie Revillame ang anim na taong gulang na batang binigyan pa niya ng pera matapos magsayaw sa isang programa niya sa TV5, baka makita rin naman ito ng korte kapag nilitis na ang kaso niya.

Hindi rin naman apektado ang kanyang programa sa Kapuso Network dahil nakapagpiyansa na pala siya sa nasabing kaso.

Nora nagpapaka-low profile sa GMA

Marami ang matututunan ng maraming artista sa kinikilalang Superstar ng pelikula na si Nora Aunor. Sa maraming taon ng pagiging artista niya, okay lamang kung mag-inarte siya o mag-feeling sikat, pero humble pa rin ang artistang dati ay nagtitinda lamang ng tubig sa riles ng tren sa Bicol.

Bagaman at maraming nagmamaliit sa ginawa niyang pagtanggap ng isang serye ng Kapuso network, ang Little Mommy kung saan ay hindi siya ang gumaganap ng title role kundi bahagi lamang ng isang malaking produksyon sa TV, proud siya sa pagsasabing “Gusto kong makatulong sa mga baguhan sa maliit kong kaalaman” and  asked for an equal treatment from  production. “Itrato niyo akong co-star at hindi isang superstar” pakiusap niya na lalong nag­lapit sa kanya sa kanyang mga kasamahan sa produksyon at sa mga kasamahang niyang artista tulad nina Kris Bernal, Eddie Garcia, Sunshine Dizon, Chlaui Malayao, Bembol Roco, Keempee de Leon, Gladys Reyes, Mark Herras, Hiro Peralta, Renz Fernandez, at Juancho Trivinio.

Maituturing nang isang Kapuso si Nora sa rami ng mga ginawa niya at gagawin pang proyekto rito. Magkaiba ang mga proyekto nila ni AiAi delas Alas na isa pa ring recruit ng GMA na pinagbubuhusan ng istasyon ng panahon para masulit ang serbisyo nito’t kasikatan kaya walang conflict sa pagbibigay sa kanila at pagtanggap ng mga proyekto.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CURTIS

ARCI

ARCI MU

BEMBOL ROCO

CALENDAR GIRL

CHLAUI MALAYAO

COLEEN GARCIA

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with