^

PSN Showbiz

Mga uurong sa MMFF halos P1-M ang multa!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kaya naman pala mabigat sa loob ng ibang producer na umurong sa pagsali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay dahil ang mahal ng multa. Yes, kailangan nilang magbayad ng P750,000. Imagine nga naman, mabigat na sa bulsa ‘yun. Almost a million agad-agad.

Pero ayon sa MMFF insider, wala pang official na withdrawal sa walong pelikulang napili sa 2015 MMFF.

Matapos mamahinga Sam Milby naging yummy ang aura

Ang yummy ni Sam Milby sa pelikula nila ni Jennylyn Mercado na The PreNup under Regal Films.

Parang mas gumwapo siya ngayon at binagayan ng medyo tan na kulay.

Ang tagal din kasing walang pelikula ni Sam. Maging sa serye ay hindi rin siya napapanood kaya siguro nakakapanibago ang kanyang aura.

Last year pa ang movie ni Sam, ang The Gift with Anne Curtis and Cristine Reyes habang sa Dyesebel naman ang last serye niya though may guest appearances naman siya sa ABS-CBN particularly sa ASAP.

Kung sabagay, Hollywood career kasi ang pinu-push ni Sam kaya rin siguro hindi siya masyadong tumatanggap ng trabaho rito.

Anyway, simula na ngayong araw ang showing ng The PreNup. First time nilang nag-partner ni Jennylyn sa pelikula at maraming eksena ang kinunan sa New York.

Nagpakita naman ng kaseksihan si Jennylyn sa movie at ibinigay niya ang lahat sa role niya bilang ‘crazy’ girlfriend ni Sam.

Isa pang napansin sa pelikula si Neil Coleta na gumanap na closeta. Ang husay niya. At siyempre si Jaclyn Jose bilang ina ni Sam Milby.

Feel good and kilig much ang pelikula na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Roxanne balik sa pagkayod

Balik-Kapamilya si Roxanne Guinoo via Walang Iwanan. Matagal-tagal din siyang namahinga nang mag-asawa at magkaanak. Though nagkaroon naman siya ng mga programa sa GMA 7 bago balikan ang dating tahanan.

Dalawa na ang anak ni Roxanne at may basbas naman daw ang asawa niya sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Anyway, ang mga batang artista ng ABS-CBN na sina Louise Abuel, Micko Laurente, Jon Michael, Raikko Mateo, at Karla Cruz ang bibida pinakabagong pang-hapong handog na Walang Iwanan na sasamahan nga ng aktres na ex-girlfriend ni Jake Cuenca.

Susundan ng serye ang kwento ni Jose, na gagampanan ni Abuel na nakilala sa kanyang pagganap bilang ang batang karakter ni Jake Cuenca sa Ikaw Lamang, na anak ni Anita (Roxanne). Ang nagmistulang ama-amahan ni Jose na si Kamlon, na gagampanan ni Jhong Hilario ng It’s Showtime, ay hindi siya nabigyan kahit katiting na pagmamahal dahil siya ay bunga ng naunang relasyon ni Anita sa ibang lalaki.

Si Laurente naman ay si Boy, ang panganay ni Anita at Kamlon, na tulad ng kanyang ama, hindi matanggap at kayang mahalin si Jose dahil kapatid niya ito sa labas at lubos na pahihirapan niya ito kasama ang iba pa niyang mga tunay na kapatid na sina Criscencio (Jon Michael), Maribel (Karla Cruz), at Michael (Raikko Mateo).

Habang hindi siya kinikilala ng kanyang ama-amahan, at patuloy siyang tinatalikuran ng kanyang mga kapatid, sa mga lola na lang niyang sina Ina at Ebe nakakatikim ng pagmamahal si Jose. Ang dalawang matanda ang nagpalaki sa kanya mula pagkabata at pinuno siya ng pagmamahal bilang paghahanda sa kanya sa pakikisama sa isang pamilya. Iisa lang naman ang ninanais ni Jose, at ‘yun ay isang pamilyang tanggap siya at mamahalin siya.

Ngunit, biglaan na lang mawawala ang mga magulang ng limang bata at kakailanganin nilang mamuhay ng umaasa sa isa’t isa. Pipilitin ni Jose at Boy na magkasundo para sa kapakanan ng kanilang mga nakababatang kapatid at sa kanilang paghahanap sa mga nawawalang magulang upang maging isang buong pamilya na muli sila.

Base sa totoong kuwento ang Walang Iwanan at nasa presscon nito ang totoong si Jose na ngayon ay isang matagumpay na negos­yante. Very touching ang kuwento at ang Diyos ang pinasasalamatan niya dahil ito ang naging dahilan kung bakit sila nakapag-aral na magkakapatid sa pamamagitan ng isang himala ng Diyos.

Base pa lang sa kuwento ni Jose, nakaka-touch na.

Papalit ito sa matatapos na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.                         

vuukle comment

ANG

ANITA

JAKE CUENCA

JON MICHAEL

JOSE

KARLA CRUZ

NAMAN

NBSP

SAM MILBY

SIYA

WALANG IWANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with