^

PSN Showbiz

Paalam Elizabeth…

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Taos-puso akong nakikiramay kay Jaya at sa iba pa nilang kamag-anakan dahil sa pagpanaw ni Elizabeth Ramsey sanhi ng kanyang sakit na diabetes. Isang malapit na kaibigan si Elizabeth na nakasabay ko sa aking pagsisimula sa showbiz at hanggang sa bago siya nama­yapa. 

GMA sawa nang patakbuhin ng mga namamahala?!

Ilang araw ko nang nababalitaan na balak pala ni Gov. Chavit Singson na bilhin ang GMA. Kasama niya sa gagawing pagbili sa network si Cong. Manny Pacquiao at ilan pang kasosyo.

Bakit kaya ang daming gustong bumili ng aming istasyon? For sale ba ito? Sawa na kaya ang mga kasalukuyang nagpapatakbo nito kaya gusto na lamang nilang ibigay sa iba ang pamamahala ng istasyon?

Pacman hindi ‘naparusahan’ sa pagiging bulakbol

Hindi na raw aabsent kapag nanalong senador si Pacman? Hangga’t hindi ito nagre-retire sa boksing, patuloy at patuloy na kakain ng kanyang panahon ang training niya sa nasabing sport. Hintayin na lang kaya muna niya na maka-retire siya bago siya tumakbong senador.

Gaano man kaliit ang suweldo na tinatanggap niya bilang kongresista kumpara sa TF niya bilang boksi­nge­ro, manalo man siya o matalo, unfair na tumatanggap siya ng suweldo gayong palagi siyang absent.

Ang ordinaryong empleyado nga ay tatanggap na agad ng memo o baka maalis pa sa trabaho kapag nakaabot sa takdang bilang na puwede niyang iliban sa kanyang trabaho. Pero si Manny ay apat na beses lamang dumalo sa sesyon sa Kongreso, parang wala lang pumapansin sa ginawa niya.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

CHAVIT SINGSON

ELIZABETH RAMSEY

GAANO

HANGGA

HINTAYIN

ILANG

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with