^

PSN Showbiz

Maja at Kim wala nang paki kay Gerald

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang na-break na rin ang ice sa pagitan ni Gerald Anderson at dating mga nakarelasyong sina Kim Chiu at Maja Salvador. Napanood ang tatlo na nag-perform ng isang production number na magkakasama nung Linggo sa ASAP at bago ito ay may panahon din na nagkasama-sama sila sa rehearsal kaya siguro naman ay wala nang pait sa pagitan nila.  

Naka-move on si Kim sa pamamagitan ni Xian Lim at bagaman at wala pang bagong nobyo si Maja, abala ito sa trabaho. Isa ito sa dalawang leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

May nakatakda rin siyang concert na magaganap sa isang mas malaking lugar, sa SM MOA Arena, ang Majastic, kaya kailangan niyang paghandaan kung gusto niyang may mapatunayan pa rin bukod sa kanyang pagiging isang magaling na artista.

Fans ng JaDine nag-alboroto

Hindi maaring iitsapwera ang tambalan nina James Raid at Nadine Lustre sa mga programa na nagtatampok sa mga loveteam ng Kapamilya. Hinanap ang dalawa sa mga loveteams na naka-flash screen ang mga mukha. Andun nga naman sina Kathryn Bernardo at Danile Padilla, at sina Liza Soberano at Enrique Gil. Bakit nga naman mawawala ang JaDine?

Ramdam ang pagkabigo ng fans ng dalawang bida ng On The Wings of Love na mas humahatak pa ng manonood ngayong may mga problema na sa pagitan nila, gaya ng mag-inang Cherry Pie Picache at Albie Casiño.

Kean ngayon lang nagseryoso sa babae

Wala naman sigurong balak na ilihim ni Kean Cipriano ang relasyon nila ng Kapusong si Chynna Ortaleza. Wala lang marahil nagtatanong sa kanya o baka hindi rin sila aware sa kanyang lovelife.

Kaya when finally ay mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda at tanungin siya nito kung ano ang relasyon nilang dalawa ay agad niyang sinabi na girlfriend niya ito.

Itinuturing niya itong pinakamagandang babae na nakilala niya at bagama’t hindi pa gaanong katagalan ang kanilang relasyon, sinabi niyang napag-uusapan na nila ang kasal.

Pero lubhang abala pa marahil ang soloista ng bandang Calla Lily na 10 taon na ngayong nakikipagsabayan sa maraming kilalang banda sa bansa.

Bukod sa pagkanta ay naipapamalas na rin niya ang kanyang talent sa pag-arte pati ang kagalingan na manggaya ng maraming icons sa Your Face Sounds Familiar tulad ni Randy Santiago at si Da King Fernando Poe, Jr. kung saan ay napaiyak pa niya ang judge na si Sharon Cuneta sa kanyang napakahusay na pag-iimpersonate rito.

Matatandaan na bago si Chynna ay naikabit ang pangalan ni Kean sa mara­ming showbiz personalities, pero ngayon lamang siya nagpakita ng kaseryosohan sa kanyang lovelife at ngayon lamang naging open sa babaeng kanyang minamahal.

vuukle comment

ALBIE CASI

ANG

ANG PROBINSYANO

CALLA LILY

CHERRY PIE PICACHE

CHYNNA ORTALEZA

COCO MARTIN

DA KING FERNANDO POE

DANILE PADILLA

ENRIQUE GIL

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with