^

PSN Showbiz

Anak ni Mark mana sa kanyang kakulitan at pagta-tantrum

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi maikakaila na isa sa pinakasikat na produkto ng Starstruck ang “Bad Boy ng Dance Floor” na si Mark Herras. Ngayong Miyerkules, samahan si Kara David at silipin ang bahay ni Mark at alamin kung ready na nga bang mag-settle down ang kilalang chickboy na Kapuso star.

Pinalad si Mark na makasali sa Batch 1 ng Starstruck. At dahil sa angking talento ay itinanghal siyang 1st Ultimate Male Survivor ng nasabing artista search noong 2003. Ngayon, nagbabalik si Mark sa Starstruck bilang segment host at taga-gabay sa panibagong batch ng contestants.

Sa pagpasyal sa bahay ni Mark sa Quezon City, agad na bubungad ang kanilang Christmas tree sa living room. Pagpasok pa lang daw kasi ng “ber” month ay nagsisimula na silang maglagay ng Christmas decors. Sa living room din makikita ang mga award at plaque of recognition na natanggap ni Mark simula nang siya ay mag-artista.

Sa kuwarto naman ni Mark makikita ang kolek­syon niya ng action figures, rubber shoes, at caps. Hindi raw kumportable si Mark sa mataas na kama kaya wala siyang bed frame. At katabi ng kanyang kama ang play tent ng kanyang anak.

Mana naman daw kay Mark pagdating sa kakulitan at pagta-tantrum ang anak niyang si Ada. Ano kaya ang nagbago mula nang siya’y naging ama? Ano kayang bonding ang ginagawa ng mag-ama pag magkasama sila?

Kilalanin ang Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras ngayong Miyerkules, kasama si Kara David, sa Power­house, 5:20 p.m., sa GMA 7.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BAD BOY

DANCE FLOOR

KARA DAVID

MARK

MARK HERRAS

NGAYONG MIYERKULES

QUEZON CITY

ULTIMATE MALE SURVIVOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with